One on One with Judy Ann Santos | Bandera

One on One with Judy Ann Santos

- November 04, 2012 - 05:55 PM

Juday walang panahon kay Piolo Pascual

Ni Julie Bonifacio

BUMUBUHOS ang malakas na ulan sa set ng “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” nang akyatin namin ang tatlong naglalakihang artista na bida sa pelikula na sina Sen. Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos sa Batlag Falls sa Tanay, Rizal.

Sinamatala namin na makausap si Juday habang naghihintay ng eksenang kukunan sa kanila that day.

Ayon kina Sen. Bong at Vic, nagulat daw sila sa professionalism ni Juday.

Kaya naman in return, pinuri rin ni Juday sina Sen. Bong at Vic.

Anyway, narito ang one-on-one interview namin kay Juday para dito sa BANDERA.

BANDERA: Wala raw siyang kaarte-arte sa set kahit pwede naman siyang mag-inarte sabi nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto. Ano’ng masasabi niya rito?
JUDY ANN SANTOS: Kahit naman noong dalaga ako, kung anuman ang kailangan sa eksena ginagawa ko. Tsaka nakakahiya naman mag-iinarte ka pa, e, ginawa na ng dalawang bida, sino ka naman para mag-inarte, ‘di ba?

Tsaka tinanggap mo ‘yung role bilang…simula pa lang alam mo na ‘yung mangyayari.

Alam mo na ‘yung proseso. Bago mo siya tanggapin alam mo na ‘yung role na magha-harness ka, may fight scene.

So, basically, na-anticipate mo na ‘yung moment kung ano ‘yung ipapagawa sa ‘yo.

B: Ano’ng feeling na dalawang higanteng aktor sa showbiz ang kapareha niya?
JAS: Nakaka-tense, huh! But at the same time nakakatuwa naman ng bongga.

Kasi, hindi ba? Hindi naman lahat ng artista nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng dalawang leading men na, ano bang right word to describe them?

Hindi naman veteran, uhmm, pioneer, in what they’re doing.

Napakaswerte ko na napasama sa kanila at napasama ako sa title role. So, it’s a chance of a lifetime.

B: Haba naman ng hair niya at pag-aagawan siya sa movie nina Sen. Bong at Vic?
JAS: Hindi, ah. Ako nga ang nang-aagaw sa kanila.

Ang role ko kasi rito sobra kong ini-idolize sina Enteng at Agimat.

Kumbaga, naghahanap ako ng, alam mo na! Ha-hahaha!

Naghahanap ako ng lalaking katipo nila.

Kasi parang ang ano ni Angelina, ang name ko sa movie, naghahanap siya ng kabiyak.

Pero hindi na pwede sina Enteng at Agimat kasi nga taken na sila, parang ganoon.

So, doon nagsimula ‘yung conflict between me and the wives.

So, masasabi ko na isa akong maharot na kerida sa movie.

B: Pang-ilang movie niya na ang “Si Agimat, si Enteng at si Ako” with Vic?
JAS: First time ko siyang nakatrabaho. Pero second time naman with Bong.

B: Paano niya ide-describe in one word sina Sen. Bong at Vic?
JAS: Hindi sila kayang i-describe ng isang salita lang, e.

Kasi ang dami nilang texture bilang artista, sila ‘yung tipo ng tao na hindi made-describe ng isang word lang kasi parang ang dami nilang texture bilang artista.

Sa bawat araw na nakakasama mo sila ang daming nari-reveal sa ‘yo na ugali nila.

Not in a bad way, ha, na nakakatuwa.

Na hindi mo iisipin na etong dalawang tao na ‘to, na sikat na sikat, sobra nilang alam ang ginagawa nila pero sobra rin silang down-to-earth. ‘Yun siguro.

Kung may made-describe ako na bagay sa kanila pareho na very common, ‘yun ‘yung pagiging down-to-earth nila sa lahat ng bagay.

Tsaka ‘di ba nga, ano’ng karapatan mong mag-inarte, e, ‘yung dalawa ngang kasama mo wala kang nakikitang pag-iinarte.

Bilang producers din naman at very professional sa mga karera nila.

Hindi mo talaga sila makikitaan ng pag-iinarte.

Kung ano ang ipagawa ni direk Tony (Reyes) gagawin nila, walang tanong, walang pag-iimbot.

B: Kumusta naman ang exposure niya sa movie?
JAS: Alam mo, wala akong pakialam sa exposure, ang importante kasama ako sa pelikula, tapos ang usapan.

Even naman before noong dalaga pa ako wala naman sa akin ‘yun, kahit kailan hindi ako naniniwala sa percentage ng exposure.

It’s how you deliver your role. It’s how you do it at kung paano ka maging professional, nasa sa ‘yo na ‘yun kung mapapansin ka o hindi.

Kapag hindi ka napansin ng tao sa pelikula ibig sabihin may mali sa ‘yo.

B: Last year may entry din sa Metro Manila Film Festival si Juday kasama ang real-life husband niya na si Ryan Agoncillo, ang “My House Husband.” Every year ba gusto niya magkaroon ng entry sa MMFF?
JAS: Huwag naman. Ha-hahaha! May pamilya naman ako, ‘di ba?

May anak, kailangang magluto para sa pamilya.

Kaya lang eto kasi hindi ko matanggihan. Ang choosy  mo naman kung tatanggi ka pa.

B: Based on her experience noon sa ipinrodyus at pinagbidahan niyang “Ploning” kung saan nominated sa Oscar awards para sa kategoryang Best Foreign Language Film, ano sa tingin niya ang chance ng pelikulang “Bwakaw” na contender for the same category sa susunod na taon sa kilalang international award giving body?
JAS: Sana makapasok. Pero mahirap ‘yan. Mahirap talaga.

Pero ang masasabi ko lang ‘yung experience ng, nu’ng journey ba?

Na makapasok ka sana sa Oscars, ‘yun lang panalo ka na, e.

Kasi iba ‘yung makikita mong professional, iba ‘yung training na makikita mo.

Kasi talaga lahat on time, lahat effort. Makikita mo, nakakatuwa siya.

Nakakatuwang ma-experience ‘yung ganoong part ng pagla-lobby ng isang pelikula.

Ako naman I’m still hoping na one of these years or one of these days, may isang pelikula ang Pilipinas na pwedeng mapansin internationally.

Kasi mahuhusay naman ang filmmakers natin.

Malalalim, mahuhusay at makukulay gumawa ng istorya.

Hindi lang nabibigyan ng tamang pagkakataon kasi hindi nasusuporthan ng husto.

Kasi, kung makita mo kung paano sinusuportahan ng mga gobyerno ‘yung pelikula ng ibang bansa, all-out.

As in parang they allot 50% of their taxes to films, na nire-represent nila ‘yung bansa nila. So, wala tayong laban doon.

B: E, nu’ng sumali sila noon?
JAS: Kami, wala kaming laban doon.

Magkano lang naman ‘yung na-raise naming funds.

Though, we’re really appreciative of the people who helped us along the way.

Hindi namin mararating ‘yung kahit one-fourth noong pagla-lobby kung wala rin ‘yung funds na pumasok sa amin.

Kumbaga, kapag naging Oscar run ka, kung magla-lobby ka to be part of it, kakapalan mo talaga ang mukha mo.

At doon ko na-experience na hindi talaga madali ang trabaho ng isang producer.

B: How true na huminto raw siya sa pagti-taping ng teleserye niya na Against All Odds para sa ABS-CBN?
JAS: Hindi naman.

Wala pa akong balita. Ang huli lang naman namin napag-usapan is ipu-push back lang siya to next year.

Kasi dapat eere kami ng October pero hindi rin namin kaya at ayaw ko rin naman magkaroon for airing, nag-decide na rin kami na next year na lang siya ipalabas para matutukan ng husto.

Kasi hindi ko rin kayang gumawa ng dalawang TV shows at the same time (Master Chef ang isa pa niyang show).

Tapos may movie pa.

‘Yung Master Chef ilalabas ngayong November 12.

So, sabi ko kung Master Chef, e, ‘di ‘yun muna.

Para sa akin, ngayon lang ako ulit babalik sa soap, siyempre gusto mong karerin.

Ayaw mo namang magbigay ng half-baked na trabaho. Ako naman ang mapapahamak.

B: Ano’ng reaction niya sa pagpasok ni Jericho Rosales sa teleserye niya?
JAS: Okey lang. Wala namang problema sa akin. Sinabi naman nila sa akin ‘yon.

Wala naman kaming problema ni Echo. Kumbaga, napakahusay na artista ni Echo.

Nagkasama kami noon sa Esperanza.

At magkaibigan kami and siguro kung may panahon para magsama kami na mag-partner, ito na siguro kasi pareho na kaming nag-mature bilang mga artista and wala naman kaming mga kalabtim ngayon.

Unlike before na talagang kilala kami sa loveteam.

B: Speaking of loveteam, may chance ba na magtambal ulit sila ni Piolo Pascual pagkatapos ng pagkikita nila sa isang advertising event ng ABS-CBN?
JAS: Huwag na nating pag-usapan ‘yan.

Wala nang ibang napapag-usapan kundi ‘yun at ‘yun na lang.

Wala naman akong nababago sa sagot ko, ‘di ba? Unang-una, hindi naman siya part ng pelikula.

Pangalawa, a project? It won’t happen, this time.

B: Naiinis ba siya na kung anu-anong speculations agad ang naglabasan pagkatapos ng pagkikita nila sa nabanggit na event?
JAS: Hindi ako naiinis pero naiintindihan ko rin naman ‘yon.

Pero bilang artista nakakahiya naman sa mga kapareha ko dito sa pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung siya rin at siya, si PJ, sabihin natin ang pangalan. Baka sabihin ng mga tao kapag binasa ‘to ayaw banggitin.

Nakakahiya lang na sa bawat proyekto na ginagawa ko palaging siya ang napapag-usapan.

I’m sure may sarili rin naman siyang project.

Kung  mangyayari, mangyayari. Hintayin na lang natin.

Then, kapag nangyari saka natin pag-usapan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending