Komedyante sinuwag ang concrete barrier, sugatan | Bandera

Komedyante sinuwag ang concrete barrier, sugatan

- November 20, 2015 - 07:23 PM

SUGATAN ang komedyanteng si Jobert Austria makaraang maaksidente sa Quezon City Biyernes ng umaga.

Ayon sa ulat, bumangga ang sinasakyan niyang kotse sa concrete barrier sa Araneta Ave., malapit sa Del Monte Ave., pasado alas-3 ng madaling araw.
Wasak ang mga salamin, harap at bubong ng sasakyan.
Isinugod si Austria ng mga saksi sa pagamutan.
Matatandaan na noong isang taon ay nagtangkang tumalon si Austria mula sa ikaanim na palapag ng Sogo Hotel sa panulukan ng Quezon Ave. at Roces Ave. sa Brgy. Paligsahan, QC.
Ayon sa kanya, gusto na niyang mamatay dahil tinatakot umano siya ng mga kamag-anak ng kanyang girlfriend.
Sa ulat ng Inquirer, natagpuan umano ng mga rumespondeng pulis ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa ni-rerentahan kuwarto ni Austria.
“It seemed [Austria] was desperate, and was on drugs,” ayon sa isang opisyal ng pulisya na nakapanayam ng Inqui-rer.
Dahil sa insidente ay kinasuhan ang komedyante ng alarm and scandal at illegal drug use.
Si Austria ay mainstay ng gag show na Banana-split ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending