Metro Manila balik normal na; mga kalyeng isinara para sa APEC, bukas na - MMDA | Bandera

Metro Manila balik normal na; mga kalyeng isinara para sa APEC, bukas na – MMDA

Lisa Soriano - November 20, 2015 - 03:42 PM

BALIK na sa normal ang sitwasyon ng Metro Manila matapos buksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang mga isinarang kalsada para sa may 7,000 delagado at economic leaders ng Asia Pacific Economic Cooperation.
Ayon sa Officer-In-Charge (OIC) ng MMDA na si Emerson Carlos, alas-4 ng hapon ng Biyernes ay tuluyang binuksan na sa mga motorista ang mga isinarang daan, kabilang  ang kahabaan ng Roxas Boulevard at EDSA, matapos makaalis na sa bansa ang mga 21-lider ng APEC at ang kani-kanilang dalang delagado.
Para sa MMDA, naging matagumpay aniya ang pinatupad na security measure ng pamahalaan sa APEC sa kabila na umaani sila ng maraming  pagbatikos mula  sa publiko dahil sa matinding trapiko na kanilang dinanas sa mga nagdaaang araw.
Bagama’t  may mga kilos protesta, maituturing na generally peaceful ang nangyaring APEC.

Aminado naman  Carlos, na mas mahirap na ginawang nilang paghahanda sa APEC meeting kumpara noong dumalaw sa bansa si Pope Francis noong Enero.

Kumpara umano sa Pope visit,  na iisa lang ang kanilang binantayan, habang sa APEC ay 21 lider mula sa iba’t ibang panig ng mundo at 7,000 delegado ang dapat tiyaking ligtas habang nasa loob ng bansa.

Kasabay nito, inamin na Carlos, na isa sa natutunan at nakita niyang kulang ay ang komunikasyon at malawak  na public dissemination at information campaign dahilan kung kaya’t marami ang naipit sa matinding trapik.

Bagama’t nagkaroon umano sila  ng maagang abiso sa publiko kaugnay sa takbo ng trapiko at isasarang kalsalda ngunit tila hindi ito  sapat kung kaya’t hindi ito ito binigyan pansin ng publiko.

Nabatid, na  simula noong Lunes, Nobyembre 16 hanggang Biyernes ng hapon, ay marami ang na-stranded na mananakay at maraming hindi pa rin nakapasok sa kanilang trabaho dahil hindi alam na may mga lugar na sarado pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending