Mas nakababahala ang Comelec case | Bandera

Mas nakababahala ang Comelec case

Ramon Tulfo - November 19, 2015 - 03:00 AM

KUNG ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ay idinaos sa loob ng Subic Economic Zone at sa Clark Economic Zone, hindi sana nagkaleche-leche ang trapiko, hindi sana naapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante at kalakalan sa Metro Manila.

At walang problema sana sa security ng mga lider ng APEC countries, kanilang mga esposa’t esposo at kani-kanilang mga alipores.

Ang Clark at Subic ay confined areas at ang pagbabantay sa kanilang security ay hindi gaano kalaking problema.

Ang problema sa trapik ang nasa loob lang din ng Subic or Clark, kaya’t kakaunti lang na mamamayan ang apektado.

Maraming world-class hotels, villa at bahay paupahan sa Subic at Clark, na dating mga US bases, para sa mga APEC leaders at kanilang mga kasamahan.

May international airports sa Clark at Subic. May airport at seaport sa Subic naman.

In fact, Clark and Subic have become little Hong Kong or Singapore kaya’t hindi nakakahiyang pagdausan ito ng mala-king international confe-rence gaya ng APEC Summit.

Pero bakit hindi idinaos ang APEC meeting sa Subic o Clark?

Tanungin ninyo ang magaling na Pangulong Noynoy. Hindi natin alam ang nasa loob ng kanyang kokote.

Pero puwede bang manghula kung bakit hindi sa Subic at Clark i-dinaos ang APEC kundi sa Maynila?

Ayaw ni Pangulong Noynoy sa Clark dahil ang international airport ay ipinangalan kay President Diosdado Macapagal, ama ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kanyang kinamumuhian.

Ang Subic naman ay naging venue na ng APEC Summit noong 1996 kaya’t maaaring sinabi sa kanya ng kanyang magagaling na advisers na sa Maynila na lang dahil ito ang capital ng bansa.

At saka, siyempre, pagdating nila sa Maynila ay lalapag sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na ipina-ngalan sa kanyang amang si Sen. Ninoy Aquino.

O, di ba?

Ang hindi isinaalang-alang ng mga advisers ni Noynoy ay ang magiging problema sa traffic at sa security ng mga delegates.

Tama ang yumaong Sen. Joker Arroyo.

Hindi nagbibiro o nagjo-joke si Joker Arroyo nang sabihin niyang ang administrasyon ni Noynoy ay parang student council.

Tama lang na ibasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqua-lification case na isinampa kay Sen. Grace Poe.

Bakit naman i-disqualify dahil lamang siya’y napulot at hindi alam ang nationality ng kanyang mga magulang?

Kasalanan ba niya na siya’y inabandona ng kanyang mga magulang at kinupkop ng mga taong hindi niya kamag-anak?

Si Grace ay ampon nina actress Susan Roces at ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr.

Malaking kagalakan ang idinulot ng SET kay Poe dahil sa desisyon nito.

Pero baka magiging short-live lang ang kanyang galak.

Mas nakakabahala sa kanya ang disqualification case na isinampa sa kanya sa Commission on Elections (Comelec).

Ang disqualification case ay batay sa alegasyon na siya’y gumamit pa rin ng US passport nang tumungo siya sa America matapos niyang manumpa bilang Filipino citizen.

May precedent na o nauna nang kasong disqualification na gaya ng kay Grace.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dinisqualify ng Supreme Court ang isang incumbent mayor ng isang bayan ng Lanao del Norte matapos mapag-alaman na ginamit niya ang kanyang US passport nang pagtungo sa America gayong nanumpa na siya bilang Filipino citizen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending