Diet babu muna sa Dos, lumipat na sa TV5 | Bandera

Diet babu muna sa Dos, lumipat na sa TV5

Ervin Santiago - November 19, 2015 - 02:00 AM

diether ocampo

MAPAPANOOD na sa TV5 ang Kapamilya leading man na si Diether Ocampo. Pero mabilis na itinanggi ng hunk actor na nilayasan na niya ang ABS-CBN. Nakakontrata pa rin daw siya sa Star Magic at pinayagan siya ng mga bossing ng Kapamilya network na gumawa muna ng ilang proyekto sa Singko.

Sa presscon kahapon ng mga bagong kuwento sa Wattpad Presents ng TV5, natanong si Diet kung tuluyan na ba siyang lilipat sa Kapatid station dahil nga matagal-tagal na rin siyang walang proyekto sa ABS.

“I’m still with Star Magic, they just allowed me na makapag-guest sa ilang shows ng TV5 like Wattpad Presents. So, habang wala pa akong ginagawa sa ABS, pinayagan nila akong mag-guest dito,” paliwanag ni Diether.

In fairness, dalawa agad ang episode na gagawin ng hunk actor para sa Wattpad Presents, una na nga riyan ang pagsasamahan nila ng Kapatid Princess na si Ritz Azul na may titulong “Wicked Ways” at ang “Seducing Mr. Wrong” na pagbibidahan naman nila ni Sam Pinto.

Napanood namin ang teaser ng dalawang episodes, at pareho naman itong promi-sing at sigurado kaming refreshing ito hindi lang para kay Diether kundi maging sa kanyang mga tagasuporta na naka-miss sa kanya sa mga rom-com projects.

Sa episode nila ni Ritz, magkakaroon sila ng intimate scenes ng dalaga, including kissing scene. Game na game naman daw ang Kapatid sexy actress sa mga ganitong eksena kaya wala silang naging problema sa taping.

Sa napanood naming trailer, medyo sexy comedy ang tema nito at in fairness uli ha, may chemistry ang dalawa. Ang “Sedu- cing Mr. Wrong” naman ay tungkol sa isang dalagang handa nang isuko ang “Bataan” sa lalaking pinapantasya niya.

Ngunit matapos mangyari ang kanyang inaasam na “happy ending” naging bangungot ito para sa girl na ginagampanan nga ni Sam Pinto. Na-shock siya nang malamang ang lalaking nakaniig niya ng isang gabi ay hindi pala ang lalaking minamahal niya.

Samantala, sa nasabing presscon natanong din si Diet kung totoong may balak na itong magpakasal, ngunit halatang medyo nairita ang aktor na mapag-usapan ang kanyang personal life.

Nakiusap ito sa press na huwag na munang magtanong ng tungkol sa kanyang lovelife. Pero aniya, okay naman daw ang lahat at happy siya dahil siya ang napili ng mga bossing ng TV5 para magbida sa dalawang Wattpad Presents episodes.

Present din sa presscon para sa kanilang respective Wattpad Presents episodes sina Eula Caballero at Mark Neumann for “Wrong Number” at sina Martin Escudero, Anja Aguilar at Monica Cuenco (ang gumanap na Dorina Pineda sa Bituing Walang Ningning musicale) para sa “Iska Ispiritista”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending