TINATAYANG 31 estudyante ng Suclaran National High School (SNHS) sa bayan ng San Lorenzo, Guimaras ang nalason matapos kumain ng cassava na ibinenta sa kanilang canteen noong Martes.
Sinabi ni Chief Insp. Ethan Estaya, chief ng San Lorenzo police station na kinabibilangan ang mga apektadong mag-aaral ng 10 lalaki at 21 babae matapos bumili ng cassava mula sa canteen ng paaralan ganap na alas-9 ng umaga noong Martes.
Ganap na alas-2 ng hapon nang magsimulang makaramdam ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka ang mga bata.
“According to them, the students only ate the cassava delight, and after few hours they started to feel stomach ache, dizziness and vomiting,” kinumpirma ni Estaya.
Dinala ang mga mag-aaral sa Guimaras Provincial Hospital para magamot.
Kumuha na ang Municipal Health Office ng San Lorenzo ng kinaing cassava at swab test mula sa mga pasyente para sa laboratory test sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.