Alden, Maine pinag-aagawan ng mga show producer sa iba't ibang Bansa | Bandera

Alden, Maine pinag-aagawan ng mga show producer sa iba’t ibang Bansa

Cristy Fermin - November 18, 2015 - 02:00 AM

alden richards

Parang kailan lang ‘yun. July 16, apat na buwan na ang nakararaan, nang unang isalang sa kalyeserye ang tambalang AlDub. Wala lang, eksperimento lang ‘yun, pero matinding niyakap ng publiko ang kanilang loveteam.

Napakabilis ng kanilang pagsikat, hindi nainip ang mga kababayan natin sa pag-angat ng kanilang pangalan, ang dami-dami agad nilang pinakain ng alikabok na loveteam diyan.

Ibang-iba na ang buhay ngayon nina Alden Richards at Maine Mendoza, natupad ang kanilang pa-ngarap na sumikat, kapag nanood ka ng telebisyon ngayon ay puro mukha nila ang makikita mo sa dami ng kanilang commercials.

Kahit sila naman ay hindi makapaniwala na sa ganito katinding senaryo mauuwi ang kanilang tambalan. Penomenal ang AlDub, maraming dekada nang uhaw ang mga Pinoy sa ganito katinding popula-ridad, hanggang sa iba’t ibang bansa ay sila na ang hinihingi ng mga show promoters-producers para lang sila makita nang personal.

Binago ng AlDub ang takbo ng kanilang buhay, lalo na si Alden na dati’y pangsuporta lang ng GMA 7 sa kanilang mga programa, pero ngayo’y sentrong pigura na sa kanilang mga proyekto.

Tama. Sa bawat pa-ngarap ay dumarating ang tamang tiyempo, ang tamang pagkakataon, ang tamang panahon. At itong-ito na ‘yun para kina Alden Richards at Maine Mendoza na tagumpay rin ng kanilang AlDub Nation, AlDub World at AlDub Universe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending