US President Barack Obama nasa PH na para sa APEC summit
NASA bansa na si American President Barack Obama sa bansa para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ meeting. Lumapag si Obama sa Villamor Airbase sakay ng Air Force One alas- 11:20 ng umaga ng Martes. Siya ay sinalubong nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg. Inaasahang uungkatin nito ang territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China, na una nang iniapela ng China na huwag talakayin sa APEC. Tatalakayin din sa APEC ang isyu ng terorismo sa harap naman ng pag-atake sa Paris na ikinasawi ng may 129 katao at ikasugat ng mahigit 300 iba pa. Dumating na rin sa bansa ang Chinese president na si Xi Jinping para sa summit. Nakatakdang bumisita si Obama sa BRP Gregorio Del Pilar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.