Coco, Maja, Ser Chief, JaDine, Julia at Sam susugod sa ‘Kapamilya Krismas 3’
MAKISAYA at tunghayan ang kauna-unahang pagsasama-sama ng mga bida ng tatlong higanteng Kapamilya teleserye na Ang Probinsyano, On the Wings of Love, at Doble Kara na magdadala ng saya at magbibigay ng maagang Pamasko sa “Kapamilya Krismas 3” ngayong Nov. 22 (Linggo) na gaganapin sa Trinoma Mindanao Open Parking ng 4 p.m..
Abangan sina Coco Martin, Richard Yap, Maja Salvador, Agot Isidro at iba pang cast ng pambansang teleserye ng Pinoy na Ang Probinsyano na maghahandog ng mga sorpresa para sa fans.
Hindi rin naman magpapahuli ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre kasama si Albie Casiño at ang iba pang mga bida ng On the Wings of Love na siguradong magpapakilig sa mga manonood.
Kasama din sa kasiyahan ang stars ng afternoon series ng ABS-CBN na Doble Kara na pa-ngungunahan nina Julia Montes, Sam Milby, Ma-xene Magalona, John Lapus at Alora Sasam na mas ipaparamdam ang kapaskuhan sa Kapamilya viewers.
Bukod sa mga bida ng sikat na ABS-CBN teleseryes, maghahandog din ng isang OPM concert ang ilan sa pinakamahusay na singers ng bansa na sina Gloc-9, Erik Santos, KZ Tandingan, Morissette, Daryl Ong at Ebe Dancel.
Huwag palampasin ang saya at kilig na ihahandog ng cast ng top-rating teleseryes sa “Kapamilya Krismas 3” nga-yong Nov. 22 sa Trinoma Mindanao Open Parking. Para sa karagdagang impormasyon, maglog-on lamang sawww.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBN sa Facebook at Twitter (@abscbndotcom).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.