Claudine makakasama si Jasmine Curtis sa bagong serye ng TV5
FOLLOW-UP ito sa nasulat naming gagawa ng teleserye si Claudine Barretto sa TV5 at ngayong araw ang meeting niya sa TV5 kasama ang manager niyang si boss Vic del Rosario.
Makakasama pala ni Claudine sa serye si Jasmine Curtis, hindi lang sinabi ng aming source kung anong titulo nito dahil baka raw may pagbabago pa pero nangako ito na sasabihin agad sa amin pag final na.
Pinagpipilian daw kasi kung bagong serye o remake ito ng mga pelikulang nagawa na ng Viva Films tulad ng Ang Panday na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.
Speaking of Jasmine, nag-last taping day na siya para sa seryeng My Fair Lady ng TV5. Matatapos na pala ito nang hindi namin namamalayan.
Ang huling isyu kasi sa My Fair Lady ay nu’ng inatake si direk Ricky Rivero habang nagte-taping ng pilot episode at isinugod sa ospital sa Tagaytay City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.