Anak ni Lito Lapid 1 taon nang walang sustento; napaiyak nang hingan ng mensahe para sa ama | Bandera

Anak ni Lito Lapid 1 taon nang walang sustento; napaiyak nang hingan ng mensahe para sa ama

Reggee Bonoan - November 16, 2015 - 02:00 AM

isabel ortega

Finally nakilala na namin si Ysabel Ortega, ang ka-love triangle nina James Reid at Nadine Lustre sa On The Wings Of Love bilang si Angela Smith (tama ba?) at maganda pala siya sa malapitan bossing Ervin.

Namana ni Ysabel ang makinis at maputing kutis ng mama niyang si Michelle Ortega, dating aktres at walang bakas na anak siya ni Sen. Lito Lapid. Pero pagtatanggol ng dalagita, “Nakuha ko naman po ang mata ni daddy.”

Anyway, sa Colegio de San Agustin sa Dasmariñas Village, Makati City dating nag-aral si Ysabel pero nakatikim siya ng hindi magandang trato mula sa mga kamag-aral kaya lumipat siya sa Reedley International School.

Pero ang unang sabi sa amin ng dalagita kung bakit siya lumipat ng eskuwelahan ay, “Kasi po malayo ang Colegio de San Agustin (Makati City) sa bahay namin kasi I live in Quezon City po, so itong Reedley, mas malapit kasi it’s in Libis lang at saka hindi ko lang po siguro feel ‘yung school and siguro po I thought I would be in better school po.”

Ending inamin din ni Ysabel na nabu-bully siya sa dating iskul. Nalaman daw kasi na anak siya sa labas ni Sen. Lapid at simula raw noon ay tinutukso na siya.

Kinumusta naman namin ang rela-syon nilang mag-ama, “Isang taon na po kaming hindi nagkikita, no calls po, siyempre po, may kurot, hindi naman maiiwasan,” aniya.

Close ba si Ysabel sa mga Lapid? “Mas close po ako sa mga Ortega, sa mother side ko po.” Gaano na nami-miss ni Y-sabel ang tatay niya? “Sobra po, sobra-sobra po,” paulit-ulit na sabi ng bagets.

Sa mga anak ni Sen. Lito ay si Mark Lapid lang daw ang nakilala ni Ysabel, “Si kuya Mark lang po ang nakilala kong kapatid ko. Nag-meet po kami once or twice lang.”

Tanging secretary na lang daw ng senador ang nakakausap ni Ysabel kaya tinanong namin kung ano ang katwiran sa kanya kung bakit wala ang ama, “Siguro po busy lang, kasi mangangampanya na po,” katwiran ni Ysabel.

Walang ba siyang tampo sa ama? “Hindi po ako magtatampo sa daddy ko kasi daddy ko pa rin po siya at the end of the day, mahal na mahal ko po ang daddy ko, I will always be there for him,” teary eyed na sagot ng dalagita.

Paano kung tumawag na sa kanya si Sen. Lito dahil nabasa ang panayam sa kanya na isang taon na silang hindi nagkikita at nag-uusap, ano ang sasabihin niya sa ama? “Ahh, na-miss ko na po siya,” sabay tulo ng luha ni Ysabel at sabay hingi ng paumanhin.

At dahil isang taong walang financial support si Ysabel mula sa ama ay ang nanay na lang daw niya ang gumagastos sa lahat. Hindi naman daw nagtanong ang dalagita kung bakit nahinto ang sustento sa kanya, “Hindi naman po kasi dati pa, alam ko na ang situation namin, bata palang po ako alam ko na.”

Samantala, sa bagong school ni Ysabel ay tanggap daw siya at higit sa lahat, suportado siya ng kanyang kaklase at teachers niya sa pagkakasali niya bilang third weel sa JaDine loveteam sa On The Wings Of Love.

Kuwento ni Ysabel, “Mga teachers at classmates ko po nagsabi na layuan ko si Clark (James) at Nadine (Lea) kasi nga bina-bash ako. Marami pong namba-bash like ‘Oy malandi ka layuan mo si Clark, aabangan ka namin sa labas.”

Apektado ba siya sa bashers? “Yung iba po, medyo below the belt, pero naiintindihan ko naman po kasi alam kong part ‘yun na mag-cause ng conflict at galitin ang audience.”

Tinanong kung paano inihanda ni Ysabel ang sarili sa bashers, “Lahat po, si tito Ogie (Diaz, manager niya) po, sabi niya, ‘nak wag kang ma-hurt ha pag bina-bash ka, ibig sabihin effective ka sa character mo, effective ‘yung role mo, take it as a compliment.

“’Yun din po ang sabi ng mommy ko na huwag akong mahe-hurt kasi siyempre it’s part of the role talaga na ma-bash ka. So ‘yun po, I take it as a challenge ‘yung mga iba, tapos ‘yung iba iniintindi ko, ‘yung iba nga nakakatawa pa, eh.

Binabasa ko po lahat ng bash sa akin pero hindi ako sumasagot, pero wala namang instant na umiyak ako, nasasaktan lang.”

Sa unang taping ni Ysabel sa OTWOL ay si James kaagad ang kaeksena niya, “Nu’ng una po sobra akong kinabahan kasi ito po ang first project ko.”

In fairness inalalayan daw siya ni James sa scenes nila, “May mga ibinibigay po siyang tips lalo na po nu’ng nalasing ako, sabi niya slur mo ‘yung words mo ng konti para you look tipsy, medyo nahuhulog ka na. Ginagabayan naman po niya ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nakaeksena na rin daw ni Ysabel si Nadine, “She’s very nice po ni ate Nadine, wala akong masasabing hindi maganda to both of them.”At sa edad na 16 ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend, “Bawal po kay mama, bawal din po kay papa.”

Nag-audition din si Ysabel sa OTWOL, sina Deo Endrinal ng Dreamscape, direk Antoinette Jadaone, Biboy Arboleda raw ang nag-approve sa kanya kaya sobrang saya ng unica hija ni Michelle Ortega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending