Young actor suwail sa magulang kaya negang-nega ang imahe
SA isang pampublikong lugar ay pinagpistahan ng mga miron ang isang guwapo at matangkad na young actor. Kung itsura ang pag-uusapan ay walang dudang bulag lang ang magsasabing walang maipagmamalaki ang young actor na ito.
Ang kanyang itsura pa lang ay maipagmamalaki na, may bonus pa siyang katangkaran, wala nang kulang sa batang aktor kung pisikalan lang ang labanan.
Pero bakit nga ba nagbubulungan ang mga kababayan natin nang makita nila ang young actor? Ano ang dahilan ng kanilang pagpi-pista? Ano pa ba ang mai-pipintas sa young actor na malayo pa lang ay lutang na lutang na ang kaguwapuhan?
Kuwento ng aming source na nakakatrabaho ang batang aktor, “Napa-kaguwapo niya, matangkad pa, pero hindi pa rin mawala-wala ang hindi kagandahang image niya. Ang mga Pinoy kasi, ganyan tayo talaga. Kapag hindi marespeto sa magulang ang tao, tapos na siya sa paghusga natin.
“Tulad ni ____ (pa-ngalan ng guwapo at matangkad na young actor), ang palaging naiisip ng mga tao kapag nakikita siya, e, ang pagiging suwail niyang anak. Hindi naman nila alam ang totoong kuwento kung bakit, pero masyado nang nahuhusgahan ang bagets.
“Malay naman nila kung dapat lang niyang deadmahin ang mga ginagawa ng magulang niya, di ba? Baka naman may valid reason talaga ‘yung bata kung bakit siya nagkakaganyan.
“Nakakaawa naman siya, nu’ng minsang mapasama siya sa mall tour ng mga stars ng network nila, tilian nang tilian ang mga fans sa mga kasamahan niya, pero nu’ng siya na ang tinawag, there was silence in the world,” kuwento ng aming impormante.
Sayang siya, hindi umaandar ang mga katangian niyang physical sa mga kababayan natin,” napapailing pang kuwento ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.