Richad Yap pangarap maging ‘James Bond’ ng Pinas | Bandera

Richad Yap pangarap maging ‘James Bond’ ng Pinas

Ervin Santiago - November 15, 2015 - 02:00 AM

richard yap

Pangarap din palang maging action star ni Richard Yap o Ser Chief. Kung bibigyan daw siya ng chance, gusto niyang gumawa ng isang proyekto na susubok sa kanyang kakayahan sa larangan ng aksiyon.

Sa nakaraang presscon ng Dreamscape Entertainment para sa pagpasok ni Richard sa number one Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ang Probinsiyano, sinabi nitong dream come true para sa kanya ang maging kontrabida ni Coco Martin sa serye.

“Like I’ve always said, one of my dream roles would be something like a ‘James Bond’ (movie), ‘yung parang ganu’n. Hindi naman talaga kontrabida pero action,” ani Richard.

Ibang-ibang Richard Yap ang mapapanood sa Ang Probinsiyano na talagang ikagugulantang ng mga manonood. Gagampanan niya ang character ni Philip Tang, ang lider ng isang sindikato na involved sa child trafficking.

“When I watched the premiere of Ang Probinsyano, nagustuhan ko ‘yung story and nakita ko na it’s something different, very action-packed, mabilis ‘yung story and sobrang ganda nu’ng pagkagawa so I wanted to be part of it kahit na kontrabida,” ani Ser Chief.

Hindi rin daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang nasabing role sa Ang Probinsyano, “This is a challenge for me kasi I don’t want to be stereotyped na itong role lang ang puwede kong gawin na good guy role.

So, I want to challenge myself, I want to learn also from the other actors kung paano gawin as a kontrabida kasi iba ‘yung atake rin dito. “Iba ‘yung mindset mo. Actually mas stressful siya so it’s really something different but I want to do it because I want to challenge myself, I want to improve myself in my craft,” esplika pa ng aktor.

Naniniwala rin siya na madaling magsasawa ang viewers kung pare-pareho lang ang ginagawa niya, “Mahirap naman ‘yung parating isang side lang ‘yung ipapakita mo parati sa audience. It helps to keep the interest alive. You have to reinvent yourself all the time.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending