Benepisyo ng kasambahay | Bandera

Benepisyo ng kasambahay

Liza Soriano - November 14, 2015 - 03:00 AM

LUMAPIT po sa akin ang pinsan ko na isang kasambahay. Dito po kami nakatira sa Navotas City.

Idinadaing n’ya po na matagal na siyang hindi binibigyan ng increase sa sweldo ng kanyang amo.

Sa kasalukuyann, ang sweldo nya ay P2,000 lamang simula pa nung 2012 nang siya ay mag-umpisa sa kanyang trabaho.

Wala po siyang benepisyong natatanggap sa amo niya. Hindi man lang siya hinuhulugan sa SSS.

Magkano po ba ang minimum na sweldo ng kasambahay sa NCR? At paano po ang SSS nya? Sana po ay matulungan ninyo siya. Salamat po.

Pilita

REPLY: Salig na rin sa Republic Act no . 10361 o Kasambahay Law o batas ng kasambahay, saklaw nito ang lahat ng household helpers kabilang na ang mga yaya, cook, gardeners, laundry persons.

Ang mga nabanggit sa ilalim na rin ng Implimenting Rules and Regulations (IRR) ng kasambahay law ay dapat i-enroll ng kanilang employer sa SSS, PhiHealth at Pag-ibig para makatanggap ng benepisyo mula sa mga nasabing ahensiya.

Ang pinakamababang pasahod ng kasambahay ay hindi bababa sa mga sumusunod:
a) P2,500 sa isang buwan para sa mga kasambahay na nagtatrabaho sa National Capital Region (NCR);
b) P2,000 sa isang buwan para sa mga nagtatrabaho sa chartered cities at munisipalidad; at
c) P1,500 sa isang buwan para sa mga nagtatrabaho sa iba pang munisipalidad.

Pagkalipas ng isang taon matapos maging epektibo ang batas, at sa nga sumusunod pa, ang RTWPBs ay magrerebisa at hangga’t maari ay idetermina at isasaayos ang pinakamababang pasahod ng mga kasambahay.
Ang RTWPBs ay magdaraos ng konsultas-yon/hearing sa mga stakeholder bago magpalabas ng Wage Order.

Ang mga sumusunod ay mga benepisyo ng kasambahay:
(a) Buwanang sweldo na di bababa sa minimum wage;
(b) Iba pang benepisyo tulad ng arawan at lingguhang pahinga;
(c) 5 araw na taunang service incentive leave;
(d) 13th month pay;
(e) Kalayaan para sa panghihimasok ng amo sa pamamahagi ng kanyang sahod;
(f) Pagiging miyembro sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG;
(g) Tamang pagtrato sa kasambahay;
(h) Libreng tutuluyan;
(i) Karapatan sa pansariling kakayahan;
(j) Karapatan para makagamit ng panlabas na kumunikasyon;
(k) Karapatan para sa edukasyon at pagsasanay;
(l) Karapatan upang bumuo o tumulong sa labor oraganization;
(m) Karapatan para mabigyan ng sipi ng employment contract;
(n) Karapatan sa certificate of employment;
(o) Karapatan upang tapusin ang empleo; at
(p) Karapatan sa paniniwala sa relihiyon at pangkalinangang kabihasahan.

Nicon Fameronag
Spokesperson
Department of Labor and Employment

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending