Rain or Shine itataya ang malinis na karta vs Globalport | Bandera

Rain or Shine itataya ang malinis na karta vs Globalport

Melvin Sarangay - November 13, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Philsports Arena)
4:15 p.m. NLEX vs Mahindra
7 p.m. Rain or Shine vs Globalport

Team Standings: Rain or Shine (3-0); San Miguel Beer (3-1); Alaska (3-1); Globalport (2-1); NLEX (2-1); Talk ‘N Text (2-1); Star (2-2); Barangay Ginebra (1-2); Barako Bull (1-2); Blackwater
(1-3); Meralco (0-3); Mahindra (0-3)

ITATAYA ng Rain or Shine Elasto Painters ang malinis na kartada sa pagsagupa nila sa Globalport Batang Pier sa kanilang 2015-16 PBA Philippine Cup elimination round game ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang salpukan ng Elasto Painters at Batang Pier ay gaganapin sa alas-7 ng gabi na main game matapos ang alas-4:15 ng hapon na opening game sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Mahindra Enforcers.

Ang Rain or Shine ay manggagaling sa tatlong sunod na panalo na naitala kontra Star Hotshots (96-87), Mahindra (108-94) at San Miguel Beermen (99-84).

Sasandigan ni Rain or Shine head coach Joseller “Yeng” Guiao sina Beau Belga, Jeff Chan, Raymond Almazan, JR Quiñahan, Gabe Norwood, Jericho Cruz at ang mahusay na rookie guard na si Maverick Ahamisi para masungkit ang ikaapat na diretsong pagwawagi at manatiling walang talo.

Matapos makalasap ng 97-86 pagkatalo sa San Miguel Beer, nagtala ang Globalport ng dalawang sunod na panalo laban sa Star (101-94) at Barako Bull Energy (105-91).

Muling sasandalan ni Batang Pier coach Pido Jarencio sina Stanley Pringle, Terrence Romeo, Doug Kramer, Joseph Yeo at Keith Jensen para ihatid ang koponan sa ikatlong sunod na panalo.

Ang NLEX ay magmumula sa kabiguang pinatakim ng Hotshots (97-95) at ito ay matapos nilang magtala ng pagwawagi kontra Blackwater Elite (90-86) at Barako Bull (93-85).

Aasahan ni Road Warriors mentor Boyet Fernandez sina Sean Anthony, Paul Asi Taulava, Simon Enciso, Kevin Alas, Enrico Villanueva at Mark Cardona para muling manalo.

Pipilitin naman ng Mahindra na wakasan ang tatlong sunod na pagkatalo sa pagharap nila ngayon sa NLEX.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending