Grace Poe humingi ng paumanhin kay Sheryl | Bandera

Grace Poe humingi ng paumanhin kay Sheryl

Ervin Santiago - November 13, 2015 - 03:00 AM

GRACE POE AT SHERYL CRUZ

GRACE POE AT SHERYL CRUZ

NANGHINGI na ng pasensiya si Sen. Grace Poe sa pinsan niyang si Sheryl Cruz matapos nga silang masangkot sa kontrobersiya kamakailan dahil na rin sa pagtakbo ng senadora sa 2016 presidential elections.

Nag-ugat ang sigalot sa pagitan ng magpinsan nang makiusap si Sheryl sa senadora at sa nanay nitong si Ms. Susan Roces na magsalita na in public para diretsong pabulaanan na anak ni Rosemarie Sonora si Sen. Grace kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Si Rosemarie ay ina ni Sheryl na younger sister ni Ms. Susan.

Hanggang ngayon daw kasi ay nagrereklamo si Sheryl sa pagkadawit sa pangalan ng kanyang nanay sa mga isyung kinasasangkutan ni Grace. Kaya naman nagpakumbaba na ang senadora at nagpasintabi na sa pinsang aktres.

“Humihingi ako ng pasensiya sa kanya. Hindi ko nais mapasama ang pangalan nila. Wala naman akong sinabi na magpa-DNA test din sila,” ayon kay Sen. Grace sa panayam ng GMA.

Kung matatandaan nagpa-DNA test si Grace kamakailan para maka-tulong sa paghahanap sa tunay na magulang ng senadora at mabigyang-linaw ang isyu sa kanyang ci-tizenship.

Samantala, inireklamo rin ni Sheryl ang pagbibiruan nina Grace at Bongbong Marcos nang magkita ang dalawa sa isang event at nagtawagan ng “sis” at “bro”. May tsismis kasi na magkapatid nga ang dalawa kay yumaong Ferdinand Marcos.

“My mom’s name has been dragged too many times, which is hindi na nakakatuwa sa aming magkakapatid. Masakit para sa ‘kin pag ginagawa nang parang biro…I don’t see the humor in that,” sentimyento ni Sheryl Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending