Claudine, Raymart mas pinahalagahan ang kapakanan ng 2 anak kesa sa paghihiganti | Bandera

Claudine, Raymart mas pinahalagahan ang kapakanan ng 2 anak kesa sa paghihiganti

Cristy Fermin - November 10, 2015 - 02:00 AM

claudine barretto

Ang nakaraang dalawang taon ng buhay mag-asawa nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ay maituturing na delubyo. Wala silang nakikitang maganda sa isa’t isa, palagi silang magkakontra, hanggang sa mauwi na nga sa husgado ang hindi nila pagkakaunawaan.

Binuksan nila sa publiko ang kuwento ng kanilang buhay, ang dami-daming rebelasyong naglabasan tungkol kay Claudine, pansamantala siyang hindi napanood sa telebisyon at wala ring ginawang pelikula.

Batuhan sila nang batuhan ng mga salitang kahit gutom na aso ay hindi makatatanggap, ganu’n ang nangyari sa kanilang rela-syon sa loob nang dalawang taon, ang kanilang mga anak ang napuruhan sa indultong kinapalooban nilang mag-asawa.

Hanggang sa isang araw ay nanahimik ang magkabilang kampo, may nangyayari na palang kasunduan, ang desisyon nila ay para kina Sabina at Santino. Pormalidad na lang ang kailangan ngayon para sa kanilang pinagkasunduan-pinagdesisyunan.

Kasama na du’n ang malayang pagdalaw ni Raymart sa kanilang mga anak dahil bukas ang isip ni Claudine na kailangang may nakakasamang tatay ang mga bata sa kanilang paglaki.

Magandang balita ito, magkakaroon na sila nga-yon ng panahong matutukan ang kanilang mga trabaho, maligayang-maligaya na ngayon ang kanilang mga anak. At sana’y magtuluy-tuloy na ang kanilang pagkakasundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending