Ateneo Blue Eagles naresbakan ang DLSU Green Archers | Bandera

Ateneo Blue Eagles naresbakan ang DLSU Green Archers

Mike Lee - November 09, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UST vs Adamson
4 p.m. UP vs La Salle
Team Standings: **FEU (10-2); **UST (10-3); *Ateneo (9-4); NU (6-7); La Salle (5-7); UE (4-8); UP (3-9); Adamson (3-10)
** – playoff twice-to-beat
* – Final Four

BUMANGON ang Ateneo sa masamang panimula para ipalasap sa karibal na La Salle ang 73-62 pagkatalo sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naiwan ng 10 puntos sa first period, inunti-unti ng Blue Eagles ang pagtapyas sa nasabing kalamangan at sa ikatlong yugto ay tsaka lumipad ng matayog para maipaghiganti ang 80-76 pagkatalo sa unang pagtutuos.

Ang mga nasa huling taon ng paglalaro sa koponan na sina Von Pessumal at Kiefer Ravena ay mayroong 17 at 15 puntos habang ang mga manlalarong inaasahang papalit sa kanila sa susunod na taon na sina Aaron Black at Adrian Wong ay may 13 at 10 puntos mula sa bench.

May anim na assists lamang ang Eagles sa kabuuan ng laro pero ang magandang pagtutulungan ng starters at bench ay hindi kinayang tapatan ng Green Archers para sa ikalimang sunod na panalo at 9-4 karta ng Ateneo.

“We have little victories that we want to celebrate. What’s important is that we were able to catch up with the league leaders,” wika ni Eagles coach Bo Perasol na palaban pa sa mahalagang twice-to-beat advantage sa Final Four.

Ito na ang ikatlong sunod na kabiguan ng Archers at nakita nila ang pagbagsak nila mula sa inookupahang ikaapat na puwesto tungo sa ikalimang upuan sa 5-7 baraha.

Naging problema uli ng Archers ang kahinaan na mapanatili ang magandang panimula na kinatampukan ng pagkakaroon lamang ng siyam na puntos sa ikatlong yugto laban sa ibinigay na 23 sa Eagles.

Si Paolo Rivero ang nanguna sa Archers sa 16 puntos habang si Jeron Teng ay mayroong 11 puntos pero dalawa lamang sa second half at siya ay na-foul out sa huling 3:35 ng labanan.

Ang nasa ikaapat na puwesto ngayon ay ang nagdedepensang kampeon National University (6-7) matapos pataubin ang University of the Philippines, 75-69, sa unang laro.

May career-high 26 puntos at 10 rebounds si Gelo Alolino upang tumatag pa ang paghahabol ng Bulldogs na maidepensa pa ang titulong napanalunan noong nakaraang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumaba ang UP sa 3-9 para matulad sa Adamson na pahinga na sa torneo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending