Amor Powers pang-international ang 3 sampal kay Madam Claudia
Samantala, sa pagpapatuloy ngayong gabi ng Pangako Sa ‘Yo, siguardong aabangan na naman ang susunod na mga eksena nina Madam Claudia at Amor Powers (Jodi Sta. Maria) ngayong sinimulan na ng huli ang pagpapatupad ng “batas ng api.”
Noong Biyernes, nag-trending sa social media at talagang pinag-usapan ng buong bayan ang napakalakas na sampal ni Jodi kay Angelica. Naganap ang nasabing eksena matapos lumantad si Amor bilang totoong may-ari ng Mintira na siya ring nakabili sa Buena Corporation nina Madam Claudia at Eduardo (Ian Veneracion).
Na-shock ang mag-asawa at dahil sa galit ni Claudia, sinampal niya si Amor. Pero siyempre, hindi nagpatalbog si Jodi, agad siyang gumanti at sinampal nang tatlong beses si Angelica sabay dialogue ng, “Iyang sampal ko sa ‘yo, parang utang mo! Pang-international!”
Dito na hinimatay si Claudia at agad na isinugod ni Eduardo sa ospital. Nagbunyi ang madlang pipol sa “pang-international” na sampal ni Jodi kay Angelica. Talagang puro papuri ang tinanggap ng dalawang aktres sa napaka-intense nilang eksena.
Narito ang ilan sa mga mensaheng ipinost ng viewers sa kanilang Twitter na kinalap ng ABS-CBN: “I was blown away. Pumapalakpak ang kaluluwa ko! Super galing ng revelation of Amor as the person behind Mintira. #PSYPagyanig!”
“Amor Powers is the best of the best. Slay them all! The “international slap” that Amor gave to Claudia was damn incredible!!!” “The prism of international slap imported from different countries is equal to numerous palm hit. Go Ms. Amor!”
“Nayanig ang mundo ng mga Buenavista sa pasabog ni Amor. Unti-unti na nilang natitikman ang batas ng isang api. #PSYPagyanig!” “Their trust and amazement to you Claudia, and to Buena Corp will never be the same unlike before!”
Samantala, isa pang eksena sa nag-trending last Friday ay ang eksena kung saan kinumpronta ni Ian si Jodi. Tinanong ni Eduardo si Amor ng, “Sinadya mo ba? ‘Yong video ni Angelo, ‘yong pagpapa-utang mo sa Buena Corp, at lahat ng ki-nababagsak ng pa-milya ko, sinadya mo ba?”
Sagot naman ni Amor Powers, “Oo. Gaya ng pananadya na ginawa mo sa akin. ‘Di ba ang plano mo, la-pitan ako, kaibiganin ako, palambutin ako para wala akong gawing masama sa inyo? Para sa ‘yo, para sa asawa mo, at para sa mga anak ninyo.
Sinadya mong paikutin ako. Para saan? Because you have to win an election.” Tutukan ngayong linggo ang mga susunod na gagawin ni Amor bilang bahagi ng kanyang paghihiganti sa mga taong nang-api at nangtraydor sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.