Angelica kay Jm: Nakakapanghinayang, pero malay natin, masaya naman siya!
NALULUNGKOT si Angelica Panganiban sa mga nababalitaan niya tungkol kay JM de Guzman. Naging magkaibigan ang dalawang Kapa-milya stars nang gawin nila ang blockbuster indie film na “That Thing Called Tadhana”.
Ayon sa chika, may matinding problema na namang pinagdaraanan si JM kaya nagugulo na naman ang diskarte nito sa kanyang personal a buhay at sa kanyang showbiz career.
May lumabas na balitang tatanggalin na si JM sa afternoon soap ng ABS-CBN na All Of Me dahil sa nagiging pasaway na naman ito sa taping, bukod pa rito ang pagtsugi sa kanya sa MMFF entry na “Walang Forever” kung saan makakasama sana niya si Jennylyn Mercado.
Sa presscon ng Sunday sitcom ng ABS-CBN na Banana Sundae (papalit sa Banana Split), natanong nga si Angelica kung ano ang nararamdaman niya para sa kaibigang si JM at dating ka-loveteam?
“Well, hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko, kasi siyempre, kaibigan lang naman ako.
“I don’t have any right na magsalita tungkol sa may pinagdadaanan ba siya ngayon or kung anuman ang trip niya ngayon, di ba?
“Basta kung kailangan niya ng kaibigan, alam naman niyang nandito lang ako. Alam niyang marami siyang naging kaibigan,” pahayag ng dyowa ni John Lloyd Cruz.
Hirit pa ni Madam Claudia ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo, “Siguro ang masasabi ko lang, yung ganu’ng chance, bihirang mangyari yun lalo na sa industriya natin. So, talagang nakakapanghinayang, pero malay mo, happy siya.
“Malay mo, talagang ayaw niya ang ginagawa niya…hindi ko alam, e, mahirap magsalita. Tulad nga ng sinabi ko, hindi ko rin maa-appreciate kung may pinagdadaanan ako, tapos may ibang taong sasagot for me,” esplika pa ni Angelica.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.