Regine binalikan ang audition sa Miss Saigon: Hindi ko alam kung ano nang nangyari!
Tinupad ni Regine Velasquez ang pangako niya sa kanyang fans na magiging kakaiba, memorable and fun ang kanyang “Regine At The Theater” concert sa The Theater ng Solaire Resort & Casino.
Lahat ng kinanta ng Asia’s Songbird ay hango sa mga sikat na Broadway musical at iba pang kilalang stage play here and abroad. Ayon kay Regine, feeling niya this is the perfect time para isakatuparan ang matagal na niyang pangarap – ang makapag-perform ng isang all-musical songs in a concert.
“Ngayon, ika nga ni Lola Nidora, ito na po talaga ang tamang panahon,” ang sabi ni Regine sa audience matapos ang kanyang opening number sa second night ng kanyang 4-night concert.
Dagdag pa ni Regine kung bakit natagalan ang paggawa niya ng all-musical concert ay dahil, “I think also because I wasn’t ready for it—not vocally but more of emotionally.
These songs are so hard to sing! “They’re not just songs, they’re not just stories. All songs have stories naman, but these songs have characters that’s why they’re harder to sing,” pag-amin pa niya.
Pero aniya, “I hope these songs are touching your hearts the way they have touched mine.” Ilan sa mga binigyan ng bagong version ni Regine sa concert ay mga sikat na kanta mula sa musicals na Jesus Christ The Superstar, Jekyll and Hyde, Singin’ in the Rain, Miss Saigon (kung saan naka-duet niya si Aicelle Santos), The Sound of Music, Wicked, at ang pinakanakakaloka, pinakanakakaaliw at well-applauded ng audience na Rak of Aegis na gawang Pinoy.
Sey pa ng misis ni Ogie Alcasid, “I realized, this is the first time I’m gonna be performing alone by myself. Normally kasi, when I do concerts nowadays, it’s like back-to-back. It’s easier for me because mayroon akong masisisi kapag pangit ang show…Nakaka-stress!”
Samantala, dito rin ikinuwento ni Regine ang ginawa niyang audition aa Miss Saigon noon sa New York kasabay si Jaime Rivera, pero obviously hindi nga raw siya nakapasa. Aniya, “Did you know that I actually auditioned for Miss Saigon like, two years ago?
“I did audition for Miss Saigon in New York, and Cameron Mackintosh… After my audition, he talked to me backstage and (said) ‘Ms. Velasquez, please, don’t cut your hair anymore.’ Maikli po noon ang buhok. ‘Tapos, ‘yon na ‘yon.”
“Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Cameron…Diaz, gumawa siya ng Charlie’s Angels,” na sinundan ng malakas na tawanan ng audience. Kinantahan din ni Regine ang anak na si Nate at pinasampa pa ang bagets sa stage.
Binati rin niya ito ng happy birthday. Four years old na si Nate kahapon. Ang isa pang patok na patok sa audience ay ang panggagaya naman ni Regine sa gumagaya sa kanyang Dabarkads sa Eat Bulaga na si Paolo Ballesteros.
Kapag kasi binabanggit niya ang kanyang pangalan sa kanyang spiels ay susundan din niya agad ito ng pagbirit ng, “Woooooooh!” Ha-hahaha! Bongga si Paolo di ba, siya na ngayon ang ginagaya ng Songbird! Wooooooh!!!
Pwede n’yo pang mapanood ang “Regine at The Theater” sa Nov. 20 at 21 at The Theatre, Solaire Resort & Casino sa Parañaque City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.