Tacloban City Mayor Romualdez nag-sorry, nagpasalamat kay PNoy
Leifbilly Begas - Bandera November 08, 2015 - 01:26 PM
TACLOBAN CITY – Humingi ng paumanhin si Tacloban Mayor Alfred Romualdez kung nakapagbitiw man umano siya ng ‘maaanghang na salita’ matapos ang pagragasa ng bagyong Yolanda, may dalawang taon na ang nakararaan.
Sa pagsasapubliko ng marker sa Astrodome ng siyudad, na ginanap sa ika-2 taong anibersaryo ng ‘Yolanda’ tragedy Linggo, muli ring nagpasalamat si Romualdez sa mga tumulong upang sila ay muling makabangon at kasama sa kanyang pinasalamatan si Pangulong Aquino.
“Minsan po nakakapagsalita kami ng maaanghang dahil kami ay tao lamang at kami po ay nasaktan, dahil napakasakit talaga ng nangyari sa amin,” ani Romualdez.
Dagdag pa niya: “Pasensya na lang po kung nakakapagsalita kami ng mga maaanghang na salita pero at no given time are we ungrateful for all the help that was given to us.”
Sinabi ni Romualdez na walong libong katao ang nakaligtas ng magtungo sa Astrodome dalawang taon na ang nakakaraan.
“We would like to thank, in behalf of the city of Tacloban, the national leadership including our President sa lahat ng tulong na naibigay sa Tacloban,” saad ng alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending