Alaska Aces nalusutan ang Mahindra Enforcers sa Dubai game | Bandera

Alaska Aces nalusutan ang Mahindra Enforcers sa Dubai game

Melvin Sarangay - , November 08, 2015 - 01:00 AM

NAPIGILAN ng Alaska Aces ang huling ratsada ng Mahindra Enforcers para itakas ang 98-94 panalo nitong Sabado ng madaling araw (PH time) sa Al Wasl Sports Club sa Dubai, United Arab Emirates at  manatiling walang talo matapos ang tatlong laro sa 2016 Smart Bro PBA Philippine Cup.

Pinamunuan ni Vic Manuel ang Aces sa kinamadang 17 puntos, kabilang ang 12 puntos sa first half, at siyam na rebounds habang si Calvin Abueva ay nagtapos na may double-double sa itinalang 15 puntos at 13 rebounds. Si Jayvee Casio ay nag-ambag naman ng 12 puntos para sa Alaska.

Matapos makalamang ng 15 puntos ng Alaska sa first half, lumaban ang Mahindra ng dikdikan sa huling dalawang yugto ng laro kung saan ang dalawang koponan ay nakagawa ng pinagsamang 60 turnovers.

Nakabangon ang Enforcers at nagawang itabla ang laro sa 87-all may 1:27 ang nalalabi sa laro matapos ang isang fadeaway shot ni Aldrech Ramos subalit sinagot ito nina Casio, Abueva at Manuel para tulungan ang Aces na itayo ang limang puntos na kalamangan papasok sa huling 30 segundo ng laro.

Subalit hindi naman pumayag si LA Revilla na hindi magiging palaban ang Mahindra hanggang sa huli nang idikit niya ang Enforcers sa dalawang puntos, 96-94, sa huling limang segundo bago tuluyang selyuhan nina Casio at Abueva ang panalo ng Alaska mula sa charity stripe.

Bunga ng panalo, ang Alaska ay umangat sa 3-0 kartada at itinaya nila ang malinis na karta kontra Barangay Ginebra Kings kagabi sa pareho ring venue para isara ang kanilang biyahe sa United Arab Emirates.
Pinamunuan ni Revilla ang Mahindra sa ginawang 19 puntos habang si Mark Yee ay nagdagdag ng 17 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending