Leni umepal na naman | Bandera

Leni umepal na naman

Bella Cariaso - November 08, 2015 - 03:00 AM

SA pagnanais na makasakay sa isyu ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), agad na naghain si Camarines Sur Leni Robredo ng House Bill 6245 na naglalayong ang i-decriminalize ang mga mahuhulihan ng tatlong bala pababa sa mga paliparan.

Halatang hindi pinag-isipan ni Robredo ang panukala sa paghahangad na maka-epal lamang sa isyu.

Hindi kaya naisip ni Robredo na ang punto rito ay ang sindikato sa NAIA na nambibiktima ng mga kawawang mga pasahero at ang kabiguan ng mga opisyal ng airport, sa pamumuno ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado na tiyakin na walang mga abusadong personnel ng NAIA?

Ano ang pagkakaiba ng tatlong bala sa apat o limang bala?

Simpleng usapin lamang ito ng mahigpit na pagbabantay sa mga tiwaling empleyado ng NAIA at tiyaking masisibak at mananagot ang mga sangkot sa sindikato.

Halatang may coverup para mapagtakpan ang katiwalian na nangyayari sa NAIA.

Sa kanyang panukala, mas idinahilan pa ni Robredo ang magiging epekto ng tanim-bala sa turismo ng bansa imbes na isipin ang mga kawawang mga ordinaryong mga mamamayan, lalo na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na bukod sa nakasuhan na ay apektado pa ang kanilang trabaho sa ibang bansa.

Talagang nakakaawa ang mga OFWs na ipinangutang pa ang pera para lamang makaalis at makapagtrabaho bilang kasambahay sa ibang bansa, heto’t mismong sa kanilang bansa nararanasan ang ganitong kawalan ng hustisya.

Minamaliit pa noong una ng Malacañang ang isyu sa pagsasabing isolated case lamang ito dahil nga ang mapuputakan dito ay si Honrado na kamag-anak ni Pangulong Aquino.

Hindi ba’t sa kabila ng panawagan na sibakin na si Honrado ay dedma lamang ang Palasyo dahil nga sinasabing pinsan ni PNoy?

Tama si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dapat sibakin na lamang ni PNoy si Honrado at hindi patuloy na pinuproteksyunan.

Ang nakakatawa, sinisi pa ng administrasyon ang oposisyon na siyang nasa likod ng paninira umano para maapektuhan ang kandidatura ng pambato nito na si Mar Roxas.

Hindi ba’t nagpapakita lamang ito ng talagang kawalan ng malasakit ni Roxas sa mga OFWs?

Ipasibak mo si Honrado kung may malasakit ka man lamang sa mga OFWs.
Ngayong araw ay ginugunita natin ang ika-dalawang taong anibersaryo ng pananalasa ng super typhoon Yolanda.

Nagtataka pa si Pangulong Aquino kung bakit puro negatibo ang lumalabas sa media gayong
napakahirap kumuha ng datos sa mga opisyal at mga ahensiya ng gobyerno.

Tinext ng Bandera si Presidential Spokesperson Edwin Lacierda para sana sa accomplishment ng mga nagawa para sa mga biktima ng Yolanda, ipinasa naman niya ang trabaho sa NEDA.

Bukod pa rito, itinext din si DSWD Secretary Corazon “Dinky” Soliman para sa ginagawa ng ahensiya pero dedma lang din.

Nang tawagan ang NEDA, aba’y ang sabi’y kailangan pa raw ng pormal na sulat para makakuha ng accomplishment report.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Komento na lamang tuloy, baka walang accomplishment kaya kunwari kailangan pa ng sulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending