MAGANDANG Araw po. Ako po si Corazon Advincula ng Pasig City. Ako po ay isang solo parent. Gusto ko po sanang itanong kung anong benepisyo ng isang solo parent in terms of leave benefits. Isa po akong empleyado ng isang malaking planta dito sa Pasig. Nabalitaan ko po kasi na bukod sa aming leave credits, may iba pang special leave benefits ang katulad kong solo parent. Maraming salamat po sa impormasyong inyongmaibibigay.
Gumagalang,
Corazon Advincula
REPLY: Para sa iyong katanungan Ginang Advincula Salig na rin sa ilalim ng batas o RA 8972 o ang parental leave para sa solong magulang, ang parental leave ay ipinagkakaloob sa sinumang solo parent o solong magulang o sa indibidwal na napag-iwanan nang responsibilidad ng pagiging magulang dahil sa mgasumusu-nod:
1. Panganganak bilang resulta ng panggagahasa, o terminong ginagamit sa batas at sa iba pang krimen laban sa kalinisang-puri;
2. Kamatayan ng kabiyak o asawa;
3. Ang asawa ay nakapiit o gumugugol nang hindi bababa sa isang (1) taon sa bilanggguan dahil sa hatol na krimen;
4. Kakulangan ng kakayahan sa pisikal o kaisipan ng kabiyak o asawa, na pinatunayan ng isang public medical practitioner;
5. Legal Separation o legal na paghihiwalay o de facto separation mula sa asawa nang hindi bababa sa isang (1) taon; Sa kundi-syon, na ipinagkakatiwala sa kanya ang kustodiya ng mga bata;
6. Deklarasyon ng kawalang-halaga o pagpapawalang-bisa ng kasal bilang anunsiyo ng isang hukuman o ng isang simbahan: Sa kundisyon, na ipinagkatiwala sa kanya angkustodiya ng mga bata;
7. Pag-aabadona ng asawa o kabiyak nang hindi bababa sa isang (1) taon;
8. Binata o dalaga na ninais na siya ang kumupkop at magpalaki sa kaniyang anak / mga anak, sa halip na iba ang mag alaga sa kanila o ibigay sila sa isang welfare institution na nangangalaga at kumukupkop sa mga batang kailangan ng kalinga;
9. Sinuman na bukod tanging magkaloob ng pangmagulang na pag-aalaga at suporta sa isang bata o mga bata: Sa kundisyon, na siya ay may karampatang lisensya bilang foster parent o sinuman na tumatayo bilang magulang o tagapag-alaga para sa isang bata sa lugar ng natural namagulang ng bata ngunit walang legal na paghango ng bata, mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o binigyan ng karampatang paghirang ng hukuman bilang legal na tagapag-alaga; at
10. Sinumang miyembro ng pamilya na umako ng responsibilidad bilang pinuno ng pamilya dahil sa resultang kamatayan, pag abandona, pagkawala ng magulang nahindi tatagal ng kahit isang (1) taon.
Undersecretary Nicon Fameronag
Spokesperson
DOLE
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.