Kayang talunin ang San Miguel Beermen | Bandera

Kayang talunin ang San Miguel Beermen

Barry Pascua - November 07, 2015 - 01:00 AM

MULA ngayon hanggang marahil sa matapos ang elimination round ng PBA Philippine Cup, isang bagay ang tiyak: Hihiramin ng mga susunod na makakaharap ng defending champion San Miguel Beer ang video ng laro sa pagitan ng Beermen at Rain or Shine na naganap noong Miyerkules!

Unang-una na hihiram dito si Blackwater coach Leo Isaac dahil sa makakalaban ng Elite ang Beermen sa Miyerkules. Baka nga nahiram na ni Isaac iyon at pinag-aaralan na nila ng kanyang coaching staff ang naganap.

Sa Lunes, kapag nag-ensayo na ang Blackwater, nakahanda na ang assignment ng Elite. Natural na gusto ng Elite na magaya ang ginawang ‘mastery’ ng Elasto Painters sa Beermen. Aba’y hindi lang tinalo ng Rain or Shine ang San Miguel Beer kundi tinambakan, 99-84.

Bago ang laro ng Elasto Painters at Beermen noong Miyerkules ay naitala naman ng Blackwater ang una nitong panalo nang maungusan nito ang Meralco, 92-90, sa likod ng kabayanihan ng bagong lipat na si Carlo Lastimosa.

Siyempre, ‘stunned’ ang Bolts na bahagyang pinapaboran sa larong iyon. Pero ‘shocked’ naman ang Beermen! Kasi’y marami ang nagsasabing kayang-kaya ng San Miguel Beer na i-bulldozer ang mga kalaban dahil sa nanatiling intact ang team na ito na nagkampeon sa dalawa sa tatlong conferences noong nakaraang season.

Itinuturing na lumakas pa nga ang Beermen matapos na makuha sina Ryan Araña at Brian Heruela kapalit nina Ronald Pascual at Jeric Fortuna. Pero nagawa ni Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao ang hindi inaasahan ng karamihan.

Napigilan niya ang sandata ng Beermen. Nadiyeta ng Elasto Painters ang reigning Most Valuable Player na si June Mar Fajardo sa shaded area. At napigilan din nila ang mga outside shooters na gaya nina Alex Cabagnot at Arwind Santos na hindi nakahanap ng kanilang target sa kabuuan ng laro.

Siyempre, hihimayin nina Isaac at ng kanyang mga assistants kung ano ang talagang nangyari. Titingnan nila kung paano naging effective ang depensa ng Elasto Painters. Pero siyempre, hindi lang iyon ang kailangang mangyari, e.

Kung ang depensa ay nagagawa, kailangan din namang gumana nang husto ang opensa ng Elite. Kailangang maging kasing ‘fluid’ ng opensa ng Rain or Shine upang magtagumpay sila. Hindi lang puwedeng isang aspeto ang kanilang titingnan at pangangalagaan.

Ang tanong ay kung may offensive arsenal ang Blackwater na maihahalintulad nga sa Rain or Shine.
Baka mayroon. Kasi, alam naman natin na ang mga manlalaro ng koponang ito ay mahuhusay din naman noong sila ay nasa amateurs pa.

Magagaling din sila nang sila ay nasa ibang PBA teams pa. Kailangan lang na tumaas ang kanilang kumpiyansa at maniwala sila sa kanilang sarili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero teka, baka kasi nalilimutan ng lahat na minsang tinalo ng Blackwater ang San Miguel Beer, 90-87, noong Pebrero 11. So, hindi na bago para sa Elite ang misyong darating.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending