Singer-actor tuluyan nang nawasak ang buhay at career dahil sa Droga
NAKAKAAWA ang aktor na ito – young and very promising pa naman na napapabalitang hindi na makaalis sa kaway ng bisyo. Lulong na lulong na raw talaga sa droga ang guwapong actor/singer.
Nasira ang kaniyang magandang future sa showbiz dahil sa paggoyo dati ng isa pang aktor na kaibigan na tumikim ng droga. Nang makatikim ay hindi na nakawala hanggang sa paulit-ulit na lang siyang napasok sa rehab at tuluyang nang mawasak.
“Dati ay sinusuplayan lang siya ng aktor niyang friend. Ngayon ay nabaligtad na ang mundo – itong aktor na ito na ang supplier ng drugs sa ibang mga kabataan. Kawawa naman – hindi kinaya ang kaway ng bisyo kaya tuluyan nang nasira ang buhay.
Maliban sa pagiging mahusay niyang aktor, napakagaling pa niyang singer,” anang source natin.
Alam niyo, wala talagang magandang naidudulot ang droga sa atin. Been there done that, ika nga, kaya walang puwedeng magsabi sa akin na oks lang ang tumikim ng drugs.
That’s not true! Mahirap kasing kontrolin pag na-enjoy mo na ang tama. Mabuti sana kung malakas ang kontrol mo sa sarili mo – yung puwede mong diktahan ang sarili mong makawala anytime na gusto mo.
But what is the assurance that you can easily get out of it kung praning ka na? Kaya ang super advise ko sa mga kabataan, wag na ka-yong tumikim not even for curiosity’s sake.
Please lang. Mahirap na’t baka dumiretso ka’t tuluyan nang maadik. Pag naadik ka na, wala na. Lahat ng krimen sa buhay ay kaya mo nang gawin. Kasi nga, hindi na ikaw iyon – yung demonyo na ang nakapasok sa katauhan mo.
Kaya dapat nating tutukan ang ating mga anak – iiwas natin sila sa masasamang impluwensiya – sa maling barkada. Tsaka dapat ay tugisin talaga ang mga tulak – dapat sa kanila talaga ay isadlak sa bartolina dahil napakarami nilang pinapatay na buhay.
Kaya lang, paano natin mapapatay ang isyu ng droga if mismong mga otoridad natin ang hindi nagku-cooperate? Kasi nga there’s so much money in this form of business kaya sila mismo ang nagpoprotekta sa mga big time drug pushers.
Hay buhay, so, kaniya-kaniya na lang tayong pagguwardiya sa mga anak natin. Wala na tayong puwedeng asahang ibang tutulong sa atin kundi ang mga sarili natin. Actually hindi lang naman ang aktor na ito ang allegedly involved sa pagbebenta ng drugs.
May iba pang taga-showbiz na diunano’y nasa watchlist ng PDEA kaya huwag na tayong ma-shock kung isang araw ay may mga mahuli ang otoridad sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.