Natagpuang patay ang Chinese national sa pinagtatrabahuhang construction
company sa Paracale, Camarines Norte kahapon, matapos
magbigti, ayon sa pulisya.
Nadiskubreng nakabitin si Liang Xu, 27, sa tinutuluyang silid sa Riverage
Construction Corp. sa Purok 3, Brgy. Pinagbirayang Malaki, pasado alas-6 ng
umaga, sabi ni Senior Supt. Harris Fama, direktor ng Camarines Norte
provincial police.
Dalawang Chinese national na nangngangalang Zhou Jian at Chen Jinhua, at
isang Percival Afan ang nakadiskubre kay Liang na nakabitin ng kurdon sa
kisame, aniya.
Sinabi sa pulisya ni Jessie Ramos, vice president ng kompanya, na si Liang
ay kanilang consultant at bago ito matagpuang patay ay pinoproblema nito
ang pamilyang naiwan sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.