One month dedmahan | Bandera

One month dedmahan

Pher Mendoza - November 06, 2015 - 03:00 AM

Hi po, manang.

Tawagin mo na lang akong Lina, 39 years old. May three kids at taga Baguio City. Hiwala ako sa asawa.

Kahihiya na sanbihin na may BF ako kasi di na ako teenager. Higit one year na kami. Hiwalay din siya sa asawa niya. Driver sa bus, bihira siya mag-text hindi naman siya ganon dati. Pag tinatanong ko siya kung ano na talag ang plano niiya, ang sagot niya basta maghintay ako. Gusto daw niya pag kami magkasama siya ang bubuhay sa akin at hindi ako ang bubuhay sa kanya.

Pero bakit ganon kung hindi ko siya i-text o tawagan ay hindi niya ako tatawagan o ititext. Nawalan ako ng gana sa kanya. Isang buwan ko na siyang hindi tinitext. Umiiral ang pride ko, sabi ko sa sarili kung di ako mahalaga sa kanya bat ko siya pagkakaabalahan. Manang, anong gawin ko?

Lina

Lina, hirap basahin ng text mo. Umober yata sa pagkajeje. Hihihi….

Pero thank you sa pag-share sa amin ng problema mo. Matagal ang isang buwan at kung ni wala man lang pangungumusta mula sa katipan, I suggest na mag-move on ka na. Kung buhay pa naman s’ya at alam mong sinasadya n’ya ang hindi pagpaparamdam then it must be a sign na hindi ka n’ya tunay na pinahahalagahan.

Talaga namang nakakawalang gana ang relasyon kapag hindi ito pinupunan at bi-nubuhay ng constant communication. It hurts pero you need to understand and realize na hindi lang s’ya ang pwedeng magbalik sa iyong ngiti. Be hopeful na meron pang mas karapat-dapat na tao na pwede mong pagtuunan ng iyong pagmamahal at atensyon at ganun din s’ya sa’yo. Hope for the best, Lina. Malay mo nasa tabi lang s’ya. 🙂
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending