May life din si ate | Bandera

May life din si ate

Pher Mendoza - November 04, 2015 - 03:09 PM

GOOD morning po manang. Ako po si Cristina, 18, ng Negros. Wala na po ang mama ko at ang papa ko naman ay umalis at iniwan nya kami.

Nagtatrabaho na ako noong 11 years old pa lang ako. Sabi ng lola ko dapat na akong mag-work kasi may tatlo akong kapatid.

Ngayon po hindi na ako nakapagpadala ng pera sa mga kapatid ko, kasi gusto kong makaipon para naman sa future ko.

Wala na akong maibigay, at masakit dahil masasakit na salita na ang naririnig ko.

Noong nagtatatrabaho ako kahit may sakit ako, pa-tuloy pa rin akong nagtatrabaho basta lang may maibigay sa kanila.

Ngayon naman gusto ko namang pagtuunan ng pansin ang sarili ko. May obligasyon pa ba ako sa mga kapatid ko?

Cristina, 18, Negros

Bilib ako sa mga batang maaga pa lang ay nagtratrabaho na. I sympathize with your situation at alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo lalo na yung papasaringan ka pa. Ayaw ni Manang nang ganyan.

Anyway, I don’t think naman na may batas tayo na nagsasabi na ikaw ay obligadong bumuhay sa iyong mga kapatid. I think pananagutan iyan ng mga magulang, ng iyong papa, kung buhay pa s’ya.

Pero nauunawaan ko na sa ating lipunan, usually kapag panganay, nagiging “breadwinner” o may isa talagang tao sa pamilya na magtataguyod sa kapakanan ng mga kaanak lalo na’t mga kapatid kapag walang tumatayong magulang.

Pero ilang taon na ba ang mga kapatid mo? Are they too young to look after themselves? Ang question ko lang, bakit ikaw 11 years old pa lang nag-work na? How is that different from their situation now from your situation before?

Ang Manang mo kase ay naniniwala na “you can only help others once you’re able to help yourself”. So maybe, i-explain mo ito sa kanila nang maigi kapag may chance. I leave it up to you my dear kung nais mo silang tulungan kapag okay ka na at nakakaluwag nang kaunti.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Have a good day iha! Mwah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending