Model daw ng shampoo ang bagong ’Mystery Girl’ sa buhay ni Sam Milby | Bandera

Model daw ng shampoo ang bagong ’Mystery Girl’ sa buhay ni Sam Milby

Reggee Bonoan - November 04, 2015 - 02:00 AM

sam milby

FINALLY, hindi na itinanggi ni Sam Milby na may dine-date siyang non-showbiz girl ngayon na ayon sa kanya ay talagang interesado siyang mas makilala pa.

“Technically, I’m seeing someone naman,” pag-amin ng Rockcoustic Heartthrob sa ginanap na presscon kamakailan para sa kanyang susunod na solo major concert na may titulong “The Milby Way”.

Ayaw pang pangalanan ni Sam kung sino ang lucky girl pero base sa pagtatanong namin ay print ad at commercial model ito na kasalukuyang napapanood sa isang shampoo o skin care commercial.

Sa tanong kung bakit natagalan bago umamin si Sam na may dine-date siya at gustung-gusto niya ang girl, mas gusto raw kasi niyang ga-wing pribado ang kanyang personal life lalo na ang kanyang lovelife.

“Pagdating sa pag-ibig, yes it’s a choice. Ayokong magkaroon ng girlfriend just to say na may girlfriend ako. Kung magkaka-girlfriend ako because I’m in love. But not, I’m really bit picky and I’m seeing someone now, kaya inspired naman (ako),” nakangiting sabi ni Sam na halata ngang in love na.

Ilalantad na ba niya ang lucky girl sa kanyang “The Milby Way” concert na gaganapin sa KIA Theater sa Nob. 28? “Hindi ko alam, baka?” tumatawang sagot ng binata.

Pero sabi naman ng aming source ay talagang manonood ang mystery girl sa buhay ni Sam kasama ang kanilang common friends kaya tiyak yan ang aabangan na lahat.

Hayan, maliwanag na hindi si Maja Salvador ang textmate ni Sam tulad ng nababalita at nasusulat dahil mayroon na siyang dine-date na non-showbiz.

Hindi rin naiwasang hindi tanungin si Sam tungkol sa plano niyang pag-aasawa at inamin naman niya na, “In 10 years, sana may family na ako, sana may mga anak na ako, but since I’m a guy, wala namang pressure kasi my dad had me when he was 49 (years old), and now he’s 81 (at malakas pa rin).”

At sa edad na 32 ay binibigyan pa raw ni Sam ang sarili ng another three years para lumagay sa tahimik kaya habang single pa siya ay puro trabaho muna ang aatupagin niya.

Nabanggit nga ng Kapamilya leading man na bukod sa upcoming primetime teleserye niya na Written In Our Stars kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual, Jolina Magdangal at Toni Gonzaga, ay isasama rin siya sa isang teleserye na umeere ngayon ngunit hindi pa niya binanggit kung anong soap ito.

Patapos na ang 2015 at 10 taon na si Sam sa showbiz, ano pa ba ang kulang o inaasam niyang makamit?
“I won’t have to ask for more actually, all I want is to be with my family especially with my dad who just turned 81 because since I came here, it’s very seldom to see them, so I’m pretty much excited because they’ll be coming this December, spend the holiday.

But since I’ll be having two teleseryes na sabay, so very seldom ko rin silang makikita, so I guess more time with my family, ‘yun lang,” pahayag ng aktor-singer. Ganu’n kasimple lang si Sam bossing Ervin wala na siyang hinihiling na materyal na bagay para sumaya.

Pagdating naman sa properties, ay may sarili na siyang bahay na plano niyang ibenta at bumili ng lupang pagtatayuan ng rest house sa bandang South, bukod diyan ay may malaking condo unit pa siya sa Bonifacio Global City na “half-way house” niya.

Oo nga, mukhang ang pinaplano na ni Sam ay ang nalalapit niyang pag-aasawa ‘yun nga lang, wala pa rin siyang bride. Samantala, natanong si Sam kung totoong mabait siya dahil halos lahat ng taong nakasama ang aktor ay iisa ang sinasabi, mabait at walang mean bone kaya naman nang minsang gumanap na salbahe sa serye nila ni Judy Ann Santos na Huwag Ka Lang Mawawala ay hindi raw kapani-paniwala dahil nga hindi ito ang imahe ng isang Samuel Lloyd Lacia Milby.

Kaya ang tanong, totoo bang too good to be true si Sam, “Ha-hahaha! Siyempre po kung ako ang tatanungin ninyo, siguro ganu’n talaga. But I’m a person na meron ding nagagawang mistakes, tao lang ako.

But it’s an everyday process to become a better person, I’m trying to be nice always in those 10 years.
“May mga times po na may nagsabing sikat ako, Sam Milby na sikat. I never thought like that, it’s just me.

Maraming mga taong nagsabi rin na in 10 years, ‘mabuti naman Sam hindi ka nagbago, you’re still very grounded.’ That’s why I’m very much thankful to all the people who support me, especially the fans,” aniya pa.

Nabanggit din ni Sam na kailangang maging mabait sa mga taong nakakatrabaho niya ke malaki o maliit na artista at higit sa lahat, sa mga tao sa produksyon maski na mula sa mababang ranggo hanggang sa mataas, para sa kanya ay kaila-ngang irespeto dahil lahat ay nagpupuyat at nagsasakripisyo.

Ano naman ang reaksyon ni Sam sa bashers, “I just had to ignore the bashers kasi hindi naman totoo ang mga sinasabi nila, so huwag nang patulan, not affected with that.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama nga pala ni Sam sa “The Milby Way” sina Enchong Dee, Rayver Cruz, John Prats, Gerald Anderson, Piolo Pascual, KZ Tandingan, Angeline Quinto at Yeng Constantino.

Ito’y sa ilalim ng produksiyon ng Cornerstone Concerts na pinamumunuan din ng manager ni Sam na si Erikson Raymundo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending