Stanley Pringle napiling PBA Player of the Week | Bandera

Stanley Pringle napiling PBA Player of the Week

Melvin Sarangay - November 03, 2015 - 01:00 AM

BAGAMAT nasa ikalawang taon pa lamang ng paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang isang pro cager, ipinakita ni Filipino-American guard Stanley Pringle na kaya niyang pamunuan ang Globalport Batang Pier na patuloy pa rin ang paghahanap sa kauna-unahang kampeonato sa pro league ngayong season.

Matapos na gumaling ang ankle injury na sinapit sa Governors’ Cup ng nakaraang season, hindi sinayang ni Pringle ang pagkakataon para ipakita na nakabalik na siya at handang tulungan ang Batang Pier.

Ang dating Penn State guard ay nagpakitang-gilas laban sa Star Hotshots nitong nakaraang Biyernes kung saan inihulog niya ang 13 sa kanyang game-high 23 puntos sa huling yugto para pangunahan ang Globalport sa 101-94 panalo na nagkaloob sa koponan ng unang panalo sa ika-41 season ng PBA.

At walang duda na ang 28-anyos na si Pringle ay mas malawak ang karanasan kumpara sa kanyang mga kakampi dahil nakapaglaro na siya sa Belgium, Poland, Ukraine at Asean Basketball League (ABL) para sa Indonesia Warriors bago naging top rookie pick ng PBA noong nakarang taon.

Sinabi naman ni Globalport coach Pido Jarencio na espesyal si Pringle dahil sa kanyang saloobin bagamat si Terrence Romeo ang namumuong bagong mukha ng prangkisa.

“Ang maganda kasi kay Stan, he’s all-out pag pumasok na sa court. And para sa kanya, walang sapawan (with Romeo) though lagi ko naman nire-remind sa team na pagnanalo tayo, sama-sama tayo rito, at ganun din pag natalo tayo,” sabi ni Jarencio.

Si Pringle, na mayroon ding limang assists at apat na rebounds laban sa Hotshots, ang napiling Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa period na Oktubre 26 to 31 kung saan tinalo niya sa parangal sina NLEX forward Sean Anthony at Alaska wingman Vic Manuel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending