PNoy parang pako, hindi kikilos kung hindi pukpukin | Bandera

PNoy parang pako, hindi kikilos kung hindi pukpukin

Ramon Tulfo - November 03, 2015 - 03:00 AM

MATAPOS ang matagal na panahon, kumilos na rin ang ating mahal na Pangulo na si B.S. Aquino (“B” for Benigno at “S” for Special) sa mga report na diumano’y pagpa-planting ng bala sa mga bagahe ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakipagpulong kahapon ang magaling na Pangulo sa mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC), NAIA, Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at mga opisyal ng Palasyo gaya ni Cabinet Secretary Rene Almendras.

Sina DOTC Secretary Jun Abaya at NAIA general manager Jose Angel Honrado ay naroon sa meeting kahapon.

Sina Abaya at Honrado ang ilan sa mga pinaka-inutil na opisyal sa administrasyon sa mahal nating P-Noynoy.

Mantakin n’yo, noon pang Sept. 17 lumabas ang balita ng pagpa-planting ng bala sa NAIA nang ang batambatang American missionary Lane Michael White ay nahulihan ng balang .22 caliber sa kanyang bagahe.

Sinabi ni White, na kasama ang kanyang ama na American pastor at kanyang stepmother na Pinay na magbabakasyon sana sa Coron, Palawan, na hindi kanya ang mga balang “nakita” sa kanyang bagahe.

Pero kinulong pa rin ang pobreng Amerikano kahit na sinabi niyang hinihingan siya ng mga nagbabantay sa X-ray machine sa NAIA na pakakawalan lang siya kapag nagbigay siya ng P30,000 sa kanila.

Binale-wala ng Palasyo ang balitang yun kahit mas marami pang pagpa-planting ang ginawa sa NAIA.

May isang naka-wheel chair na pasahero na nahulihan daw ng bala sa kanyang bagahe at kinasuhan ng illegal possession of ammunition.

At ang kahuli-hulihan ay yung 65-anyos na pasaherong patungo sa Singapore upang dalawin ang kanyang anak doon na nahulihan daw ng bala sa kanyang bagahe.

Umalma na ang taumbayan sa mga pagpapa-planting ng mga bala sa NAIA kaya’t napilitan ang ating papatay-patay na presidente na kumilos.

Para siyang pako na kundi pupukpukin sa ulo ay hindi babaon o kikilos.

Ito ang tugon ni Secretary Edwin Lacierdas, presidential spokesman, kung bakit kahapon lang kumilos ang Palasyo sa mga balitang “laglag bala.”

Sabi ni Lacierda: “Because we only have…What media is reporting is only a slew. There’s a..That’s why the President wants to cast a wide net. Let’s look at the entire picture. It’s only been…Let’s correctly identify the problem. Tulad po…Example nung sinabi ko yung Japanese tourist. Ang sinasabi niya plinant yung bala, it turns out inamin pala nung turista. So many instances. Dapat ti-tingnan natin ang mga bagay-bagay na yan. We are not being detached. In fact, the fact that the President called for a meeting shows his concern for what is happening there and he wants to make sure—he wants to ve-rify and validate all the assumptions that have been put out in media. We are just being thorough and we want a thorough look at the whole situation so that proper solutions can be given and these are long-term solutions that can be put in place.”

Yung sinabi ni Lacierda ay tape-recorded kaya’t word for word na nakuha ang kanyang sagot.

Nagkanda-utal utal si Lacierda sa pagsagot kung bakit matagal bago kumilos ang Palasyo sa mga ulat ng laglag-bala.

Yung report tungkol kay White na naganap noong Sept. 17 ay dapat naalarma na ang mahal na Pangulo.

Marami pang ibang ulat ng pagpaplanting sa mga bagahe ang naganap sa NAIA.

Pero nagnoynoy-noynoy si P-Noynoy hanggang sa nagalit na ang taumbayan at saka siya kumilos.

Kinailangan pang marinig pa niya ang sigaw ng taumbayan.

Talagang special itong si Noynoy.

Tanga, bobo, gago ang mga piskal ng Pasay City na humawak ng inquest proceedings laban sa mga kawawang pasahero.

Sentido komon lang ang kailangan para malaman na walang gamit ang isang bala na walang baril na paglalagyan.

Dapat ay tinanong ng mga piskal kung bakit may balang dala ang mga pasahero, pero hindi, isinampa agad sa korte ng mga mokong.

Ano naman ang mahihita ng mga pasahero na magdala ng bala na walang baril, aber!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga qualifications yata para maging piskal sa Pasay City ay dapat ikaw ay bobo, tanga at gago.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending