2 album ni Alden naglalaban sa bentahan
PAREHO nang certified Platinum Record ang dalawang music album ng Pambansang Bae na si Alden Richards. Pagkatapos matanggap ang Platinum Record award para sa kanyang self-titled album na ini-release noong 2013, pormal na ring tinanggap ni Alden ang kanyang Platinum Record award para naman sa kanyang “Wish I May” album mula sa GMA Records.
Kahapon, sa Eat Bulaga, mismong ang mga taga-Philippine Association of the Record Industry (PARI) ang nagbigay ng award sa Kapuso matinee idol matapos bumenta ng mahigit sa 15,000 units ang kanyang second album.
Sa kanyang Instagram account, nag-post agad si Alden ng kanyang litrato kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng bumili ng kanyang album. Aniya, “God is good!!! Mara-ming salamat po sa lahat!!! God bless you all!!!”
May limang tracks ang nasabing album ni Alden, kabilang na ang carrier single na “Wish I May”. Kasama rin sa album ang version ni Alden ng “Thinking Out Loud” at “God Gave Me You.”
In fairness, talagang nagla-laban sa bentahan ng mga record bar ang dalawang album ni Alden, ha! At kung hindi kami nagkakamali, isa si Alden sa iilang local singers ang nakagawa nito – na halos magkasabay ginawaran ng Platinum Record ang dalawang album.
Samantala, sa inilabas na data ng AGB Nielsen, panalo pa rin ang Holloween episode ng Eat Bulaga sa kalaban nitong programa sa ABS-CBN.
Nakakuha ang nasabing episode ng Eat Bulaga with hashtag #ALDUBBahayNiLola ng TV rating na 37.7% na siyang highest rating TV show noong Oct. 31 habang ang #ShowtimeBackToBackFinals ng Showtime ay nakapagtala ng 7.4% sa Mega Manila kung saan napanood ang first grand finals ng “That’s My Tomboy” segment.
Nanalo rito ang finalist na si Kit Cunanan. At tulad ng ginawa ng mga host ng Eat Bulaga, nagsuot din ang mga host ng Showtime ng kanilang best Halloween costumes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.