3 little Yaya Dub pinagkaguluhan sa sementeryo; naging instant Superstar
Aliw na aliw na nagkuwento ang kaibigan-ka-patid naming si Sonia tungkol sa mga nakita niyang batang babae sa sementeryo na plakadung-plakado ni Maine Mendoza ang gayak.
“Sosyal ang mga bagets! Tatlo silang magkakapatid na naka-Yaya Dub look. Peg na peg talaga nila si Maine, dahil rumarampa sila sa sementeryo na naka-apron na polka dots!
“Ang nakakaloka, nagpa-picture taking sa kanila ang mga utaw! Pose kung pose naman ang magkakapatid, kuhang-kuha nila ang attention ng lahat dahil sa panggagaya nila kay Yaya Dub!” tumitiling kuwento ng aming kaibigan.
At ang ikinaloka pa ng aming kaibigan, kahit saan daw siya pumaling ay ang kalyeserye ng Eat Bulaga ang pinagkukuwentuhan. Puro sina Yaya Dub at Alden Richards at ang tatlong sikat na lola ang bumibida sa kanilang mga kuwento.
“Meron pang isang batang lalaki na kakulit-kulit! Takbo nang takbo, sobrang pasaway, kaya ang sigaw ng mommy niya, ‘Bumalik ka dito, kukunin ka ni Lola Nidora!’
“Gawin bang katatakutan ang mabait na lola ni Yaya Dub! Pero ‘yun talaga ‘yun, e! Sila talaga ang in ngayon, sila ang topic kahit saan, magandang sign ‘yun na sikat na sikat talaga sila,” opinyon pa ni Sonia.
Regine!!!! Whooooh!!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.