Yaya Dub biktima ng black propaganda; pilit ibabagsak ng mga inggitera | Bandera

Yaya Dub biktima ng black propaganda; pilit ibabagsak ng mga inggitera

Cristy Fermin - November 02, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

Dahil sa kanyang kasikatan ngayon na walang pinipiling estado sa lipunan ay kung anu-anong kuwento na ang pinalulutang ngayon laban kay Maine Mendoza.

‘Yun na ‘yun! Sikat na sikat na nga si Yaya Dub kaya maraming inimbentong kuwento na ang ikinakapit sa kanya ngayon.

Kesyo adik daw siya sa pakikipag-party, marami na raw siyang nakarelasyon nu’ng hindi pa siya nag-aartista, kaya hindi na bagay sa kanya ang pagpapabebe kay Alden Richards.

Beinte anyos lang ngayon si Maine Mendoza (March 3, 1995 nang ipanganak siya), kaya ang pagdalo sa mga party ng isang dalagang tulad niya ay napakanatural lang, hindi naman siguro ipinanganak nu’ng kopong-kopong si Yaya Dub para hindi makipag-party.

At ano naman ang masama sa pakikipag-party? Ang hindi magandang pakikipag-party ay kapag hinaluan na ng paggamit ng droga, kapag nagwawala na ang mga gumagamit, isang bagay na hinding-hindi naman ginawa ni Maine.

Kunsabagay, sa kasikatang niyayakap niya ngayon ay hindi na kagulat-gulat ang mga kuwento ng paninira tungkol sa kanya. Made na made na nga si Yaya Dub dahil pinagtutuunan na siya ng pansin at panahon ng mga taong walang magandang magawa sa buhay.

Pero sorry na lang, publiko ang naglagay sa kanya sa posisyong kinaroroonan niya ngayon, kaya walang magagawa ang mga grupong naninira sa kanya ngayon. Inggit lang ang maliwanag na dahilan nu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending