‘Hindi mukhang pera si Alden, ayaw n’yang magpagamit sa mga Politiko!’
TAHASANG dinenay ni Alden Richards ang napabalitang P100 million offer sa kanila ni Maine Mendoza para mag-endorse ng pulitiko o grupo ng mga pulitiko sa 2016 elections.
“Hindi po totoo yun,” sey nito during the presscon of Snowcaps, ang latest product endorsement niya.
Kaya naman bilang kami ang nagsulat ng naturang “P100 million item” kapatid na Ervin, agad kaming tumawag sa aming sources, at sabi ng isang nakausap namin, “Hindi na naman talaga niya malalaman pa dahil sa umpisa pa lang ng alok, eh tsugi na agad,” ang natatawang sey ng kausap namin.
Yes, pinatotohanan ng ating source na mayroong mga “emisaryo” ang ilang mga pulitiko at partidong politikal na nagtangkang alukin ang AlDub para iendorso sila sa 2016 national elections.
At gaya nga ng ating naibalita, sa umpisa pa lang ay tsinugi na ito ng management nina Alden dahil as per their ruling, “no political endorsement for AlDub.”
“Kaya sana bago sinagot ni Alden na hindi yun totoo, sana nagtanong muna siya dahil totoong merong alok sa kanila ni Maine. Baka hindi na lang niya nalaman dahil ang mabilis na sagot sa unang pagtatangka na kunin siya ay negative agad,” sey pa ng kausap namin.
Kung mayroon man kaming hinangaan uli sa binata na sinasabing hottest male star ng bansa ngayon ay ang pagsagot niya ng diretso na kahit pa umabot ng P200 million ang offer sa kanya ay never siyang mangangampanya para sa mga politiko.
“Dito na lang po ako magpo-focus sa showbiz,” hirit pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.