Blind item: Male Singer tinawag na 'Boy Pitik', masahol pa sa sabungero | Bandera

Blind item: Male Singer tinawag na ‘Boy Pitik’, masahol pa sa sabungero

Cristy Fermin - October 30, 2015 - 06:01 PM

SI Boy Pitik. May mga tumatawag ng ganu’n sa isang male singer na maangas na ay pasaway pa. Obvious ba kung bakit ganu’n ang bansag sa kanya ng mga kapwa niya singers at mga kakilala?

Para kasing sabungero ang male singer sa hilig magpausok. Hindi siya mabubuhay nang hindi magsusupalpal ng sigarilyo sa kanyang bibig.

Nu’ng na-ging kalahok siya sa isang talent search ay sangkatutak na upos ng sigarilyo ang winawalis ng mga utility. Bago siya sumalang para kumanta ay pausok muna siya nang pausok sa backstage.

Kuwento ng aming source, “Kahit nu’ng contestant pa lang siya, e, halatang-halata na ang kaa-ngasan ni ____ (pangalan ng male singer). Sa pagkukuwentuhan nilang magkakalaban sa show, e, marami na siyang kuwento ng kayabangan.

“Marami nang naiinis sa kanya nu’n pa man, kasi nga, ang drama niya, e, paawa pa, pero sa totoong buhay naman, e, napakaepal niya.

“Nakuha lang kasi niya ang loob ng isang judge, paulit-ulit siyang pinupuri, i-kinampanya na nga siya halos ng taong ‘yun, kaya siya ang nanalo,” kuwento ng aming source.

Bakit naman siya tinatawag na Boy Pitik?

“Heto ang kuwento tungkol diyan. Tuwing nag-yoyosi siya, e, panay-panay ang pitik niya ng upos. Hindi siya humahanap ng basurahan, pitik lang siya nang pitik ng upos niya.

“At totoo, bago siya sumalang para kumanta, ang vitamins niya, e, yosi. Mas gumaganda raw kasi ang boses niya kapag ganu’n. Mas lumuluwag daw ang lalamunan at pakiramdam niyan kapag nagpapausok siya.

“Kabaligtaran naman siya ng lahat ng mga kasamahan niya, di ba? No sila sa yosi, as in talagang hindi sila gumagamit nu’n, di tulad ng male singer na ito na parang hindi mabubuhay nang hindi pumipitik ang mga daliri pagkatapos niyang magyosi,” kuwento pa ng aming impormante.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending