PNoy itinalaga si Atty. Emerson Carlos bilang bagong Chairman ng MMDA | Bandera

PNoy itinalaga si Atty. Emerson Carlos bilang bagong Chairman ng MMDA

Bella Cariaso - October 30, 2015 - 05:25 PM

pnoy1
INIHAYAG ni Pangulong Aquino ang pagkakatalaga kay Atty. Emerson Carlos bilang bagong Chairman ng Metro Manila Development Authority kapalit ng nagbitiw na si dating MMDA chairman Francis Tolentino.

Sinabi ni Aquino na inirekomenda ni Tolentino si Carlos, na dating assistant general
manager for operations ng MMDA.

Idinagdag ni Aquino na patuloy ang ginagawang aksyon ng gobyerno para masolusyunan ang problema sa trapik sa bansa, partikular sa EDSA.

“Yung holding capacity ng EDSA itself is about 13,600 per hour and now it’s 18,000, di ba?
‘Yung EDSA ang pinakamadugo. Kagabi dinaanan ko ‘yung EDSA, nakita kung gaano talaga—parang feel na feel ko ‘yung traffic na dinadaanan ng ating ga kababayan. Kada lalabas ako sa Malacañang, maski umaga pinapansin ko lahat ng lugar na may traffic,” sabi ni Aquino.

Ayon pa kay Aquino, pangmatagalang solusyon sa trapik nais ng gobyerno.

“Yung pangmatagalang solusyon, hindi matutugunan ‘yung kasalukuyang
problema,” ayon pa kay Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending