Mahal na burol at libing ipinasisilip
Leifbilly Begas - Bandera October 30, 2015 - 04:19 PM
Nais ng isang partylist solon na silipin ang funeral industry sa bansa dahil pamahal umano ng pamahal ang burol at libing sa bansa.
Ayon kay Kabataan Rep. Tery Ridon marami sa mga funeral service sa bansa ay hindi kayang bayaran ng mga mahihirap kaya napipilitang mangutang ang mga ito o magburol ng mas matagal para makalikom ng abuloy.
“Death has a significant place in the cultural fabric of our nation. However, perhaps due partly to the weak regulation of this industry, funeral and burial services have become generally unaffordable for most Filipinos. Worse, there are many reports of substandard services that rub salt into the wound,” ani Ridon.
Sinabi ni Ridon na dapat tignan ng Kongreso kung dapat magkaroon ng regulasyon kaugnay ng pagkuha ng mga purenaria sa mga natatagpuang patay at mga namamatay sa ospital ng walang abiso mula sa mga kamag-anak.
“In many cases, families are also forced to extend the wake of their loved ones for more than a week to buy time and get more ‘abuloy’ or contributions from people who pay their respects to the deceased. The practice of holding illegal gambling activities during wakes has also become the norm to help the family pay for funeral and burial services,” ani Ridon.
Nais ni Ridon na malaman kung sapat ang mga batas at regulasyong ipinatutupad upang maproteksyunan ang publiko laban sa mga mapagsamantalang purenaria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending