Enrique sa patuloy na emote ni Jessy sa airplane scandal: Nagulat ako, pero hayaan mo na! | Bandera

Enrique sa patuloy na emote ni Jessy sa airplane scandal: Nagulat ako, pero hayaan mo na!

Julie Bonifacio - October 26, 2015 - 02:00 AM

enrique gil

KITANG-KITA ang tuwa sa mukha ni Enrique Gil nu’ng bumulaga sa kanya ang mga naghihiyawan na fans nila ni Liza Soberano sa harap ng stage paglabas niya sa Bench/Kashieca LoveStyle event sa Trinoma Activity Center recently.

Obvious din ang pagiging sobrang sweet ni Enrique every time maglalapit sila ni Liza habang nirarampa ang latest collection ng dalawang nabanggit na clothing line. Bukod sa paghalik-halik kay Liza sa pisngi at kamay, lumuhod din si Enrique kay Liza sa gitna ng stage na lalong ikinakilig ng kanilang fans.

It seems naging stronger pa ngayon ang samahan nina Enrique at Liza pagkatapos ng iskandalong kinaharap nila kamakailan, “Kahit ano’ng mangyari laging nandoon pa rin naman kami sa isa’t isa,” sabi ni Liza.

Sabi naman ni Enrique, “We know each other the most, kaya hayun.” Kahit masakit daw sa kanila bunsod ng kung anu-ano ang mga lumalabas na kwento sa nangyari, hinahayaan na lang daw nila.

“Well, alam ninyo po sa industrya natin dapat sanay na tayo doon ‘di ba? (And) There’s a side to everything and it’s all up to you guys kung ano ‘yung iisipin ninyo kung ano ang totoo,” diin ni Liza.

Pahayag naman ni Enrique, “Lahat ng tao may side ng story ‘di ba? Para sa akin, parang ang dami nang dumadagdag. Parang pahaba pa nang pahaba ‘yung istorya, ‘O, ah, may ganito na?!’ Wala tayong magagawa, naririnig mo sa iba-ibang tao.

So, syempre dadagdag sila, ‘yan ang trabaho ng iba. We can’t really do anything about it. So, ‘yun na ‘yon.” Kahit paano may natutunan naman daw si Enrique sa airplane incident na kinasangkutan niya kamakailan, “A, siguro when you’re with your friends you have to be responsible ‘di ba? ‘Tsaka don’t put yourself in a position where other people can take advantage of it, yun lang.

“Just don’t put yourself in a position kasi marami riyan that will, you know, take advantage sometimes lalo na sa iba’t ibang story na lumalabas. So, parang sabi ko, ‘A, okey.’ Parang ang liit lang noon, hindi pa nga big deal. ‘Yung ibang naging biktima, hindi nga biktima doon?! Kaya ang sabi ko, ‘Okey, so, wala akong magagawa.”

When asked kung ano ang naging reaksyon niya noong nagkita sila ulit ni Luis Manzano na sinasabing isa sa mga celebrities involved sa airplane incident, ever since naman daw ay okey sila ng anak ni Batangas Gov. Vilma Santos.

Pero ang isa sa main personalities na nasangkot din sa isyu na si Jessy Mendiola ang patuloy pa raw sa paglabas ng kanyang sama ng loob sa social media, “Yeah, ayun nga! Ayun nga! Well, nag-usap na kami noong sa London pa lang, e.

Tapos all the time, e…” bitin na sagot ni Enrique. Nagulat na lang daw siya na may ganu’ng “emote” pa si Jessy sa social media, “Nagugulat na lang ako. So, bayaan mo na lang,” sabi pa ni Enrique.

Hindi raw alam ni Enrique kung sinu-sino pa ang patuloy na naninira sa kanya dahil sa nangyari, “Wala akong ideya kung sino ang gumagawa ng mga ganyan sa akin. ‘Tsaka sabi ko, basta alam naman natin hindi tayo guilty, ‘di ba?”

Towards the end, umakyat sa stage ng owner ng Bench at Kashieca na walang iba kundi ang clothing magnate na si Ben Chan. At nu’ng bumaba na sila sa stage, kitang-kita ng ilang members of the press ang pagsabi ni Enrique ng “I love you” sa kanyang ina na nakaupo sa front seat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes, nag-I love you ako sa Mama ko. Hindi (kasi) siya pumupunta sa mga show na ganito. E, nandoon si (sa harap ng stage) Mama. Sabi ko, ‘Ah, first time.’ Tsaka kasi nandoon si Liza,” nakangiting kwento ni Enrique nu’ng makausap namin.

Kahit daw sa taping niya, hindi sumasama ang Mommy niya sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending