Kailan magkaka-boyfriend? | Bandera

Kailan magkaka-boyfriend?

Joseph Greenfield - October 26, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Camile ng Saguin, Makilala, North Catabato
Dear Sir Greenfield,

Bakit kaya ganon, sa edad kong 29 hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend, siguro totoo nga ang sinasabi ng mga kaibigan ko kahit may itsura naman daw ako mahina daw ang sex appeal ko kaya bihira lang ang sa akin ang may nanliligaw. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto kong malaman kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at sino ang una at huling magiging boyfriend ko? Sana ay matulungan nyo ako kung kailan ako magkakaboyfriend, dahil sa larangan ng pag-ibig may karapatan din naman akong lumigaya at ayaw kong tumandang dalaga habang buhay. October 6, 1986 ang bitrhday ko.

Umaasa,
Camile ng North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Camile huwag kang matakot na tumandang dalaga, dahil hindi iyon ang mangyayari, sa halip, ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad ay nagsasabing sa panahon ngayon maaaring hindi pa lang dumarating ang isang lalaki na magiging boyfriend mo, subalit sa susunod na taon pag tuntong mo ng edad 30 pataas, tiyak ang magaganap magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Nine of Hearts, at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling ikaw ay nakapag-asawa hatid ng isang lalaking medyo kayumanggi ang kulay ng balat, tiyak ang magaganap – ang papasukin ninyong pagpapamilya ay habang buhay na magiging maligaya.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending