Janine na-shock sa desisyon ng GMA na paghiwalayin sila ni Elmo
NA-SHOCK at nalungkot ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez nang malamang hindi na si Elmo Magalona ang kanyang makakatambal sa bagong daytime series niya sa GMA na Dangwa.
Matapos nga ang magkasunod na teleserye nina Janine at Elmo sa Siyete ay pinaghiwalay na muna sila ng GMA. Nagdesisyon ang creative ng GMA na itambal muna ang dalaga kay Mark Herras at sa nagbabalik-Kapuso na si Aljur Abrenica.
“At first siyempre nagulat ako. Medyo may konting lungkot at takot. Pero I guess normal reaction lang ‘yan since nasanay ako na palagi kaming magkasama sa mga project,” ani Janine nang makausap namin sa presscon ng Dangwa.
Pero nilinaw naman ni Janine na suportado naman siya ni Elmo sa bago niyang proyekto, “Pero I’m really thankful, kasi even if we do things na hindi kami magkasama, talagang full support pa rin siya at ako rin sa kanya.
So, nakakatuwa na it doesn’t end sa pagiging love team.” Dagdag pa ni Janine, naniniwala siya na may ma-ganda ring maidudulot sa relasyon nila ni Elmo ang pansamantalang pamamahi-nga ng kanilang loveteam,“I guess, in a way, para nagpapa-miss!”
Wala namang idea si Janine tungkol sa napabalitang paglayas ni Elmo sa GMA 7 dahil balak daw nitong lumipat sa ABS-CBN. May chika kasi na anytime soon ay mapapanood na raw ang binata sa mga show ng Dos, pero hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon o denial ang kampo ni Elmo.
Samantala, bukod sa love triangle nina Janine, Mark at Aljur, every week ay magkakaroon ng special guests ang serye para sa iba’t ibang kuwento ng pag-ibig na magiging bahagi ng buhay ng misteryosang babae sa Dangwa na si Rosa (Janine), kabilang na sina Ruru Madrid, Barbie Forteza, Carla Abellana, Rafael Rossel, Geoff Eigenmann, Pauleen Luna at marami pang iba.
Magsisimula na sa Lunes, Oct. 26, 11 a.m. ang Dangwa sa GMA 7 lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.