Gina galit na galit, kasambahay dinedma sa ospital dahil walang pera | Bandera

Gina galit na galit, kasambahay dinedma sa ospital dahil walang pera

Alex Brosas - October 25, 2015 - 02:00 AM

gina alajar

Seething with anger itong si Gina Alajar at talagang matindi ang kanyang shoutout sa kanyang Instagram account. Naimbiyerna kasi si Gina dahil hindi inasikaso ang kanyang kasambahay na dinala sa Las Piñas Medical Center dahil positive ito sa dengue.

Nauna nang na-test ito sa isang medical clinic and they were advised na dalhin na ito sa ospital. Ang kaso, hindi naman pala ito inasikaso sa nasabing ospital dahil walang perang dala ang kasambahay.

Nang dumating ang anak ni Gina na si Ryan ay saka pa lang inasikaso ang kasambahay dahil may dala ng pera si Ryan. “Ang bottom line, HINDI IMPORTANTE ANG BUHAY SA BANSANG ITO!!!” That was Gina’s finale one-liner.

“Bawal yan. May batas jan na may pera o wala dapat asikasuhin nila,” say naman ni direk Wenn Deramas. Naku, Gina, bakit hindi ka mag-file ng reklamo nang matauhan ang namamahala ng ospital na ‘yan.

Sa mga comments naman, marami ang nakisimpatya kay Gina. “Isa sa pinakanakakahiya at nakakalungkot na katotohanan sa Pinas.” “Pag naman sa public ka dinala like PGH or Quirino mamamatay ka, ni hindi ka aasikasuhin agad.

Kawawa yung mga pobre na gustong maisalba ang buhay ng pamilya nila.. I’ve watched documentary sa I-witness about this maiiyak ka nalang sa awa.”

“Nakakalungkot na katotohanan. Walang malasakit ang gubyerno sa mga Tao. Kung meron dapat ito ang isa sa mga priorities, hindi ang pagkurakot!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending