Ngayon na ang ‘TAMANG PANAHON’!
ALDUB YOU…MAALDEN KITA
ANG AlDub craze ay nagsimula lamang sa tuksuhan nang malaman ng mga Dabarkads na crush ni Yaya Dub si Alden Richards. Nangyari ito sa isang episode ng “Problem Solving” segment ng Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga. Dito na nga nagsimula ang makasaysayang pagka-kilala ng dalawa sa pamamagitan ng split-screen shots.
Nagsimula lang sa asaran ngayon ay isa nang global phenomenon. Balikan natin ang nakaka-kilig at nakaka-in love na mga tinaguriang “first” ng AlDub at muling damhin ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
First Pagkikita on screen: Nagda-dubsmash noon si Yaya Dub nang biglang i-close up sa camera si Alden. Biglang nawala sa poise ang dalaga at napangiti. Napakaway lang ito kay Alden na tinatawag na ngayong “Pabebe Wave”.
First Split-screen Kiss: Sino ba ang maka-kalimot sa unang “kissing scene” ng dalawa? Flying kiss pa lang yun na naganap noong second day ng kalyeserye.
First Pagkikita nang Live: Tandang-tanda ng lahat ang episode na ito kung saan nagkita in person sa kauna-unahang pagkakataon sina Alden at Maine. Katatapos lang noon ng Wild Card edition ng Dabarkads Pa More. Naghanapan ang dalawa sa backstage at doon sila nagkita. Pero nu’ng maglalapit na ang dalawa ay biglang umapir si Lola Nidora at hinarangan sila ng plywood. Dismayado noon si Lola Nidora sa dalawa dahil hindi nila tinupad ang mga kondisyon na binigay nya.
First Indirect Kiss: Pagkatapos ng Dabarkads Pa More Wild Card Edition ay dinukot naman ang dalawa ni Durizz. At dahil nauuhaw ay pinasipsip ni Durizz sa iisang straw ang AlDub. Nagwala ang mga fans dahil sinasabi nila na ito raw ang unang “indirect kiss” nila.
First Record Breaking Hashtag: Ang #AlDubMaiDenHeaven ang pinakaunang record breaking tweet ng kalyeserye loveteam dahil umabot ito sa 3.5 million tweets. Natalo nito ang #PapalVisit na nagtala noon ng 3.3 million tweets. Pagkatapos nito ay sunod-su-nod nang winasak ng AlDub ang kanilang mga naunang record hanggang sa makamit nila ang pinakabonggang 25.6 million tweets para sa #ALDUBEBForLove.
First Date: Dito si-nubukan ni Lola Nidora kung gaano nila kakilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tanong bago sila makapag-date. Nasagot naman nila ang mga ito pero naging handlang naman ang isang napakahabang table sa venue ng kanilang date.
First Akyat ng Ligaw sa Mansyon at First Hawak kamay: Napapayag na rin si Lola Nidora na makapunta si Alden sa kanilang mansion para umakyat ng ligaw kay Yaya Dub. Nangyari rin dito ang kanilang first “holding hands” nang masamid si Maine habang kumakain at inabutan siya ng tubig ni Alden kung saan aksidenteng naghawak ang kanilang mga kamay. Ang episode na ito ang nakakuha ng record-breaking na 25.6 million tweets.
First TV Commercial: Isang sikat na fast food chain ang unang endorsement sa TV ng dalawa kung saan na-feature ang pagda-dubsmash ng dalawa habang sarap na sarap sa kanilang pagkain. Mula dito ay sunod-sunod na ang mga endorsements at commercials ng phenomenal couple.
First Voice: Unang narinig ang boses ni Yaya Dub nang may isang boses na tumawag na “Lola!” noong Sept. 21 (Lunes). Pero hindi ito nakumpirma dahil agad siyang dinala ng mga Rogelio sa ospital. Bago pa ito ay nakipagpalitan pa ng fan sign si Yaya Dub kay Alden. Dito na nagsimulang magsalita si Maine, hanggang sa kumakanta na rin ito at nakikipag-duet pa sa Pambansang Bae.
NAGSIMULA LANG ANG LAHAT SA TUKSUHAN…MAUWI NA NGA KAYA SA TOTOHANAN?
AKSIDENTE lang ang pagkakabuo ng loveteam nina Richard Reyes Faulkerson, Jr. (Alden Richards) at Nicomaine Dei Capili Mendoza (Maine Mendoza o Yaya Dub) – kaya walang nag-akalang gagawa ng kasaysayan sa mundo ng telebisyon at social media ang dalawang Dabarkads ng Eat Bulaga.
Binansagag Social Media King and Queen at TV Ad Prince and Princess sina Alden at Maine dahil sa record na ginawa nila sa Twitter at sa sunud-sunod nilang TV commercials na umeere ngayon.
Nagsimula ang makasaysayang kalyeserye ng Eat Bulaga nang tuksuhin sina Yaya Dub at Alden ng mga dabarkads. Dito rin nabuking na matagal na palang crush ni Maine ang Kapuso matinee idol kaya pala kinilig ito nang makita niya si Alden na nakaupo sa front row ng studio. And the rest, as they say – is HISTORY!
Sa panayam kay Eat Bulaga director Mike Tuviera, sinabi nitong kahit sila ay na-shock sa pagiging phenomenal ng AlDub, “On our side, in-terms of APT, Eat Bulaga, and TAPE, it was all an accident, really. Kami, we are really, really very thankful. Yung gratitude rin naman po na nararamdaman namin is overflowing.
“Kasi it was not planned. It was not planned at all. It was born from the moment that the staff found out that in real life, Yaya Dub had a crush on Alden. No one knew that.
“As a number one fan, I know the back story dahil nag-investigate talaga ‘ko. You can see it in YouTube the first time it happened. Yaya already appeared, a few episodes already, so I asked, ano ba talaga ang nangyari behind the scene, they found out accidentally that Yaya in real life has a crush on Alden.
“Alden was already having lunch and he was done for the day kasi, nasa Juan For All All for One na. Noong nalaman nila yun, nilabas nila si Alden na kumakain, sabi niya, ‘Sige po, sige po.’ Nilagay nila si Alden sa front row, sabi nila, ‘Diyan ka lang Alden, pa-guwapo ka, tingnan nga natin.’
“Si Alden, yun na, nag-wave na siya. Nu’ng in-insert na, tingnan nga natin ang reaksiyon, so that’s all. It was all an accident!”
Mula nang sumabog na parang napakalakas na bomba ang kalyeserye ng Eat Bulaga, hindi na ito binitiwan ng milyun-milyong dabarkads sa bansa at sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Araw-araw ay la-ging top trending topic ang hashtag ng GMA noontime show, bukod pa ‘yan sa napakataas na rating ng programa na kamakailan lang ay gumawa na naman ng record sa ratings game.
Kung matatandaan, umabot sa 26.5 million tweets ang hashtag ##ALDubEBforLOVE ng Sept. 26, 2015 episode ng kalyeserye, kung saan unang umakyat ng ligaw si Alden kay Yaya sa mansion ni Lola Nidora.
Ipinagdiwang din nu’ng araw na ‘yun ang National Pabebe Wave Day.
Sa latest survey naman ng AGB Nielsen, gumawa na naman ng record ang Eat Bulaga matapos nitong makuha ang kabuuan ng Top 10 highest TV ratings ng taong 2015 (mula January 1 hanggang October 3). Nasa number one spot ang EB Sept. 19 episode na nakapagtala ng 45.7%. Walang ibang programa ang nakagawa nito sa kasaysayan ng telebisyon.
At hindi lang mga Pinoy ang nabighani at na-in love sa AlDub kundi pati na rin ang ilang international stars, kabilang na riyan si Brian White, ang original singer ng isa sa mga themesong nina Alden at Yaya na “God Gave Me You”.
At ngayong araw nga, Oct. 24 – ang itinakdang Tamang Panahon para kina Alden at Yaya Dub. Gaganapin ito kasabay ng grand fans daw ng Eat Bulaga sa Philippine Arena sa Bulacan. Inaasahan ng buong sambayanang Pilipino na muling patutunayan ng AlDub ang kanilang magic sa buong universe.
10 BABALA NI LOLA NIDORA: ‘LOVE ADVICE PA MORE’
SIGURADONG walang kokontra kapag sinabi naming muling nakabangon ang showbiz career ni Wally Bayola dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang si Lola Nidora, ang pinakamamahal na lola ni Yaya Dub.
Araw-araw inaabangan ng milyun-milyong Dabarkads ang mga nakakatawa, nakakawindang at nakaka-inspire na mga eksena niya, lalung-lalo na ang mga words of wisdom na isini-share niya sa mga kabataan, partikukar na sa usapin ng pakikipagrelasyon.
Kailan lang ay pinarangalan siya at si Maine Mendoza ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) dahil sa mga naibabahagi nilang aral sa mga kabataan pati na rin sa mga magulang na talaga namang napapanahon. Narito ang siyam sa mga hindi malilimutang “babala” ni Lola Nidora na tumatak sa isip at puso ng mga Pinoy sa buong mundo.
1. “Ang pamilya ay pamilya. Kahit anong mangyari ay hindi pwedeng ipagpalit, hindi pwedeng piliin, pero dapat tanggapin.” Nasambit ito ni Lola nang magkasama-sama silang muli ng kanyang mga kapatid na sina Tidora at Tinidora.
2. “Ang pagtupad ng pangako ay ang pagsunod ng totoo! Ang binitawang salita ay hindi dapat isawalang-bahala.” Galit na galit si Lola dahil hindi ti-nupad nina Alden at Yaya ang kanilang pangako. Tinangka kasi nilang magkita sa studio ng Eat Bulaga pero hinarangan sila ng plywood ni Lola.
3. “Maganda ang may inspirasyon sa buhay. Pero dapat nilalagay sa tama! Hindi lahat ng oras ay pag-ibig!” Ayan mga bata. Nagsalita na ang lola. Mag aral muna.
4. “Hindi lahat ng bagay instant noodles. Ano to? Fan sign lang, love na? Text text lang, kayo na?” Ipinagdiinan ni Lola na hindi minamadali ang mga bagay-bagay sa mundo, lalo na ang pag-ibig. Lahat ay mangyayari sa tamang panahon.
5. “Ang pag-ibig n’yo ay hindi pantakbuhan, hindi pambayanihan… Pangsugod bahay lang. Isa lang ang winner. Isa lang dapat ang winner sa puso ng bawat isa.”
Ayon kay Lola, dapat lang na kapag umibig ay sigurado kang siya na at siya lang. Matutong maghintay at huwag magpadalus-dalos na madalas nagiging dahilan ng “disgrasya.”
6. “Minsan may mga bagay na gusto mong hawakan pero hindi kasya sa kamay mo. Ang hindi kayang hawakan ng kamay mo, hawakan mo ng puso mo.” Ito ang payo ni Lola noong mga panahong nangungulila si Alden kay Yaya Dub. Ito yung eksenang kailangan munang umalis ni Yaya para makaiwas kay Isadora na inakala ng lahat na siyang tunay niyang ina.
7. “Ang tunay na pag-ibig kahit hindi kayo magkapiling, nararamdaman. Ang tunay na pag-ibig kahit hindi nagkikita, pinapahalagahan at iniisip ang isa’t isa. Iniisip ang kabutihan at hinihintay ang tamang panahon.” Magkalayo man daw sina Alden at Yaya ay nasisiguro niyang magkikita’t magkikita pa rin ang dalawang pusong tunay na nag-iibigan.
8. “Ang gusto ko lang naman ay ang pag-ibig sa tamang panahon. Lahat ng bagay pinagtiya-tiyagaan. Lahat ng bagay pinaghihirapan. Lahat ng bagay pinagsusumikapan. Walang kahahantungan ang mga bagay na minamadali.” Ang eksenang ito ay naganap nang pagalitan ni Lola ang dalawa dahil sinira nila ang kanilang pangako na hindi muna sila magkikita.
9. “Hindi sapat ang yaman para ibigin ang isang tao. Ang pag-ibig ay nararamdaman, hindi binibili, ipinaglalaban, iniingatan at i-pinagkakaloob sa tamang panahon.” Siguradong marami ang naka-relate sa babalang ito ni Lola dahil isa ito sa mga linya ni Wally na nag-trending nang bongga sa social media.
10. “Masarap umibig. Masarap ang may inspirasyon. Huwag lang minamadali…lahat ng bagay nasa tamang panahon.” Sinang-ayunan ito ng lahat ng mga magulang dahil naniniwala sila na ang pinilit at minadaling relasyon ay kalimitang madali ring mawasak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.