Benjie sa relasyon ng 2 anak kay Jackie: Ayoko nang makialam, malalaki na sila! | Bandera

Benjie sa relasyon ng 2 anak kay Jackie: Ayoko nang makialam, malalaki na sila!

Ervin Santiago - October 23, 2015 - 03:00 AM

BENJIE PARAS AT JACKIE FORSTER

BENJIE PARAS AT JACKIE FORSTER

KAHIT magmakaawa kay Benjie Paras ang ex-wife na si Jackie Forster para makasama ang kanilang mga anak na sina Andre at Kobe mukhang mababalewala lang ang effort ng dating aktres.

Sa presscon kahapon ng latest offering ng Viva Films, ang horror-comedy na “Wang Fam” kung saan makakatambal ni Benjie si Pokwang, sinabi ng dating PBA legend na ang mga anak lang niya ang makakapagdesisyon ng tungkol sa kanilang ina. Hindi rin daw totoo na iniimpluwensyahan o bine-brainwash niya ang dalawang anak para mas lalong magalit ang mga ito kay Jackie.

“Malalaki na sila, may sa-riling isip na ang mga iyan. Tsaka hindi na ako nakikialam pagdating diyan.

Kung anuman yung sinasabi (ni Jackie), hayaan na. Ganu’n talaga,” sey ni Benjie.

Pero wini-wish ba niya na sana magkaayos na rin ang dalawang anak at si Jackie? “Actually, wala naman akong wini-wish. Kung ano ang mangyayari…hindi natin kontrolado ang mga bagay-bagay sa mundo. Kasi ako, kung ano lang yung meron ngayon du’n ako nagpo-focus. Kung ano ang mangyayari bukas saka na lang natin yun pag-usapan.”

Sabi ni Jackie kapag napuno na siya at patuloy na dinedma ng kanyang mga anak may pasasabugin siya laban kay Benjie, ano ang reaksiyon niya rito? “Wala lang, hindi ko nga alam yan, e. Hindi na kasi ako nagbabasa ng dyaryo o ng mga video sa internet. Okey na rin yun para tahimik lang.”

Samantala, first time magkakasama sa trabaho ang mag-amang Benjie at Andre, dito nga sa pelikulang “Wam Fam” ng Viva Films directed by Wenn Deramas. Sey ni Benjie, pasado naman sa kanya ang pagko-comedy ng anak at naniniwala siya na marami pang pwedeng ipakita ang binata pagdating sa pag-arte.

Nakilala kasi si Andre sa mga pelikulang rom-com ng Viva at heavy drama naman siya sa seryeng The Half Sisters ng GMA kaya na-challenge raw talaga ang binata sa pagsabak sa pagpapatawa.

Sey pa ni Andre dahil sa galing magdirek ni Wenn Deramas nagawa naman daw niya ng tama ang mga eksena niya. In fairness, sa trailer pa lang ng movie ay tawa na kami nang tawa lalo na sa mga eksena nina Pokey at Benjie. Ang lakas ng chemistry ng dalawa na tried and tested na sa kata-tapos lang na seryeng Nathaniel.

Bukod kina Benjie, Pokwang at Andre, makakasama rin sa “Wam Fam” sina Yassi Pressman, Candy Pangilinan, Wendell Ramos, Atak, Joey Paras at Alonzo Muhlach. Showing na ito sa Nov. 18 nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending