Kotse ni ALLAN K pinagbabato ng mga nagwawalang lasing | Bandera

Kotse ni ALLAN K pinagbabato ng mga nagwawalang lasing

- October 20, 2012 - 03:48 PM

Pagkatapos bastusin ang mga  stand-up comedian

NU’NG isang gabi ay galit na galit ang kaibigan nating si Allan K dahil sa nabiktima ng mga lasing na construction workers na nagtatrabaho sa tapat ng Klownz sa Quezon Avenue ang kanyang bagong kotseng nakaparada sa parking lot ng said bar.

I was at Zirkoh Morato that time kaya naulinigan ko lang ang kuwentuhan ng ilang stand-up comics doon about the incident.

In short, di ko alam ang full story pero totoong nangyari ito – mga lasing daw ang mga construction workers na talagang mahilig mam-bully ng mga bading na comedians sa area pero hindi na lang sila pinapansin.

Gusto raw pumasok sa Klownz sa pamamagitan ng  backstage ang mga lasing na construction workers kaya pinigilan sila ng ilang staff ng bar.

Sinabihan sila na sa  main entrance sila pumasok dahil doon naman talaga ang daanan ng audience pero mapilit ang mga lasing na lalaki,  bigla na lang daw  nagwala dahil hindi nga sila pinayagan sa gusto nilang mangyari.

Nanuntok daw ito ng staff at pinagbabato ang Klownz at tinamaan naman ang windshield at ilang parts ng kotse ni Allan K kaya nabasag ito. Grabe raw ang nangyari, parang nag-riot ang mga lasing na construction workers kaya hayun, pinagdadampot daw ito ng mga pulis.

For sure ay kulong ang mga hinayupak na ito.

Malamang na hindi ito makukuha sa pakiusapan – dapat sa mga lasing na ito na matanggal sa pinagtatrabahuan nila dahil nakakapinsala sila sa lipunan.

Hindi puwede ang ganoon. Ang alak ay inilalagay sa tiyan at hindi sa ulo.

I haven’t spoken to my dear friend Allan K yet regarding what happened pero nangyari ito last Thursday evening.

Mga hinayupak talaga ang mga lalaking iyon.

Hindi lang naman daw ito ang first time na nam-bully sila ng kabadingan kaya lang dahil sa awa ay hindi na lang sila pinapatulan ng mga friends natin.

Pasalamat sila at wala ako doon dahil isang tawag ko lang sa kapaligiran ay sa kulungan ang bagsak nila.

Mabait pa nga si Allan K, eh. Naaawa pa sa kanila dahil alam niyang maliit lang naman ang kanilang kinikita.

Pero kung ganyan naman sila kababastos, baka hindi na dapat silang kaawaan.

Well, iyan ang katapat ng kabulastugan nila. For sure, pag nawala na ang espiritu ng alak ay bait-baitan ang mga iyan.

Hindi na sila naawa sa naiwan nilang mga pamilya, kasalanan naman kasi nila, eh.

Mampinsala ka ba naman ng kapaligiran, aba’y may kalalagyan ka talaga.

Buti nga sa inyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga praning kasi, eh.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending