Residente ng Caloocan wagi ng P6M lotto jackpot, may pambayad na ng utang
MAGBABAYAD na ng mga utang ang 55-anyos na lalaki na nanalo ng P6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 noong Oktobre 15. Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang nanalo ay may asawa, limang anak at nagtatrabaho bilang office clerk. Siya ay residente ng Caloocan City. Ang lumabas na numerong 17-21-24-26-30-33 ay tinayaan niya ng lucky pick. Noong 1996 pa siya nagsimulang tumaya ng lotto. Ayon kay PCSO Assistant General Manager for Gaming Sector Conrado Zabella plano ng nanalo na bayaran ang kanyang mga pagkakautang at magtayo ng maliit na negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.