Mga Pinoy abroad atat na atat na sa part 2 ng ‘One More Chance’
EXCITED na ang mga nakapanood ng “One More Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo bilang sina Popoy at Basha kung saan nakasama rin nila si Maja Salvador sa papel na Trisha, sa gaga-wing sequel nito.
Ipinalabas noong 2007 ang nasabing pelikula ng Star Cinema mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina at balitang nakaplantsa na ang lahat para sa part 2 nito.
Yes bossing Ervin ikinuwento sa amin ng mga kaanak naming nasa ibang bansa na ngayon pa lang ay atat na silang mapanood ang “One More Chance 2” at tinatanong nila kami kung kailan daw ito ipalalabas.
Ito raw kasi ang pangako ng dalawa noong nagpunta sila ng Europe. Nagtanong kami sa ilang mga taga-ABS-CBN at kinumpirma nga na may part two na ang love story nina Popoy at Basha ngunit hindi lang binanggit sa amin kung ano ang magiging takbo ng kuwento nito.
Sa madaling salita sina Lloydie at Bea ang susunod na project ng Star Cinema, kaya ang tanong ng marami ay ano kung ano na ang nangyari sa John Lloyd-Sarah Geronimo reunion project na siyang susunod daw na gagawin ng Star at Viva Films? As of this writing ay hindi pa nagsu-shoot sina JLC at Bea.
Samantala, isa pang hirit ng aming mga kaanak abroad ay kung may sequel din ba ang pelikulang “Starting Over Again” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga at ang “My Amnesia Girl” na sina Lloydie at Toni.
Sabi namin puwede rin namang magkaroon ng part 2 ang mga nabanggit na pelikula, pero puwedeng tapusin muna ang “One More Chance” part two dahil mas maituturing na itong classic among Star Cinema movies? Iba raw kasi ang mga nabanggit na pelikula na talagang hindi mo pagsasawaang panoorin maski ilang beses ulit-ulitin. Sumasang-ayon kami riya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.