SC itinigil ang plunder trial ni GMA ng 30 araw
NAGLABAS ang Korte Suprema ng status quo ante order pabor kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na kung saan pinapatigil ng 30 araw ang pagdinig ng kanyang plunder sa Sandiganbayan.
Kasabay nito, inatasan din ng Kataastaasang Hukuman ang First Division ng anti-graft court Anti-Graft Court na magkomento sa petisyong inihain ni Arroyo.
Sa 115-pahinang petisyon ni Arroyo, hiniling nito sa Korte Suprema na baligtarin ang pinal na kautusan
ng Sandiganbayan first division noong Pebrero na nagbabasura sa kanyang mosyon para makapagpiyansa kaugnay ng P366-milyon anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.